top of page
Search
BULGAR

Iniwan ang ex-bf dahil sa pagiging mahirap, bebot todo-sisi

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 22, 2023


Dear Maestro,


May ex-boyfriend ako, pero dahil mahirap lang sila, tutol ang pamilya ko sa aming relasyon.


Kaya kahit mahal ko siya, napilitan akong makipag-break sa kanya. Sa ngayon, may bago akong nobyo, may kaya sila sa buhay. Kaya lang hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko dahil mas mahal ko pa rin ‘yung ex-bf ko.


Maestro, ano ba ang gagawin ko? Kasi pagdating sa compatibility, pareho ko naman silang ka-compatible, pero ‘di ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit hindi ako masaya sa present bf ko ngayon? Ano ba ang dapat kong gawin at sino ba sa kanilang ang dapat kong piliin?


May 16, 1999 ang birthday ko.

Umaasa,

Mikaella ng San Pedro, Santa Ana, Pampanga

Dear Mikaella,


Kung mahal mo talaga ang dati mong boyfriend, hindi masamang makipag-break ka sa kasalukuyan mong boyfriend at makipagbalikan ka sa ex-bf mo. Sa ganyang paraan ka liligaya. Kaya lang, kung makikipagbalikan ka sa ex-bf mong mahirap, tiyak na tututulan na naman ito ng pamilya mo.


Ngayon, kung mayaman ang kasalukuyan mong boyfriend, tanungin mo ang iyong sarili, “ano ba talaga ang gusto mo? Salapi o pagmamahal?”


Kapag salapi ang pipiliin mo, pagtiisan mo ang kasalukuyan mong nobyo, kahit na hindi mo siya masyadong mahal, ganyan talaga ang buhay. Kung minsan, salapi o kayamanan ang pinipili ng ibang tao, lalo na ng mga magulang at kapatid mong materyoso!


Tandaan, hindi lahat ng bagay ay makukuha natin ng sabay-sabay sa mundong ito, ‘ika nga “isa-isa lang, mahina ang kalaban!” Maaaring sa iyo ang salapi, sa kanya ang tapat na pag-ibig. Minsan naman, sa iyo ang tapat na pag-ibig sa kanya naman ang limpak-limpak na salapi. Maaari ka rin namang maging ganu’n, Mikaella, kung unti-unti mong kalilimutan ang dati mong boyfriend habang dahan-dahan mo namang pag-aralang mahalin ang mayaman mong boyfriend sa kasalukuyan. Higit lalo kung ang nasabing lalaki ay isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio o kaya ay Capricorn na may birth date na 5, 14, 23, 8, 17 at 26 – sa ganyang paraan, darating ang saktong panahong makakamit mo rin ang isang maligayang pag-aasawa na hahantong sa isang maunlad at masaganang pagpapamilya habambuhay na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 26 pataas, hatid ng kasalukuyan mong boyfriend na medyo mayaman.


0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page