top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Init ng ulo, huwag dalhin sa kalsada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 11, 2026



Editoryal, Editorial


Habang tumitindi ang init ng panahon, dumarami rin ang mga nagiging mainitin ang ulo sa daan. 


Kaunting aberya sa trapiko, maling singit, o simpleng busina ay agad nauuwi sa sigawan at away. Ito ang dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng road rage.


Pero walang magandang naidudulot ang galit sa kalsada. Isang iglap ng init ng ulo ay maaaring humantong sa aksidente, pananakit, o mas malalang trahedya. Tandaan na lahat ng motorista ay gusto lamang makauwi nang ligtas.


Oo, nakakadagdag ng iritasyon ang matinding init at mabigat na trapiko. Pero hindi ito dahilan para mawalan ng disiplina at respeto sa kapwa. 


Mas mahalaga pa rin ang mahabang pasensya at kontrol sa sarili.

Sa panahon ng matinding init, mas kailangan ang malamig na pag-iisip. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page