Inilaglag sa anak nila na 'di ang ex-mister ang nakauna sa kanya…
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 3 min read
AIKO, GALIT NA GALIT, GUSTONG SAPAKIN SI JOMARI
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 19, 2020

Napikon Ako sa Anak Ko, Kabwisit ang titulo ng vlog ni Aiko Melendez sa YouTube dahil inasar siya ng anak na si Andre Yllana.
On the spot kasing tinanong ng aktres kung ‘virgin’ pa ang anak na 21 years old na. Aliw ang reaksiyon ni Andre dahil natawang napapikit pa at pati ang nanay niya ay tawa rin nang tawa.
“Diyos ko, ang ano naman, Mom, ang bulgar naman nu’n! Well, siyempre, beinte-uno na ako, tapos siyempre, hindi na!” napangiti pero seryosong sagot ng binata.
Nagulat si Aiko sa sagot ng anak, “Ha?! Bakit sabi mo sa akin last week, oo! Nagbago? Nakaka-shock naman 'yun.”
“Siyempre naman, Ma, basta,” tanging sabi ng anak ng aktres.
Sabay hirit ni Andre sa ina, “Bakit, ikaw, how old were you when you…?”
“I was twenty-two. I was twenty-two. Nu’ng twenty-two, ‘yung tatay (Jomari Yllana) mo pa ‘yung ano, ‘yung nakaano, basta 'yun,” natawang sagot ng nanay ni Andre.
Muling hirit ng anak ng aktres, “'Di ba, hindi naman si Dad (ang) first boyfriend mo?”
“Ang first boyfriend ko, si Aga (Muhlach), pero walang nangyari sa amin, hello! Mamatay man!" sabay make face ni Andre.
“O, eto, magkamalas-malas na. Wala talagang nangyari sa amin. Peksman, cross my heart!”
Nangingiting sabi ni Andre, “Eh, bakit sabi sa akin ni Dad, hindi naman daw siya ‘yung una mo?”
Sagot kaagad ni Aiko na halatang iritable, “Alam mo, huwag kang gumawa ng kuwento. Alam mo, sasapakin ko ‘yung tatay mo! Hindi na nga kami okay, gumagawa pa siya ng ano.
“Sinabi niya ‘yun? Sinabi niya ‘yun? Ang kapal ng mukha niya! Siya una, ‘no! Ay, sh*t! Eh, talaga naman. Talaga, sinabi niya 'yun? Tatawagan ko ang tatay mo, ang kapal ng mukha niya para sabihin niya ‘yun.
“Alam niya! Kaya nga ako nabuntis agad sa iyo at the peak of my career, nabuntis ako dahil siya nga ‘yung first ko. Sira-ulo ba siya?
“Wala kayang nangyari sa amin ni Aga, sira-ulo ba siya! Gumagawa siya ng isyu, para siyang ewan. Ano ba? Bakit mo ba ibinabalik sa akin? Wala talaga! Magsisinungaling ba ako sa ‘yo?
“Sinabi niya talaga 'yan, mamatay man? Sinabi niya ‘yan? Alam mo, issue-maker ka. Mag-aaway kami talaga. Hindi na kami nag-uusap ng tatay mo, pero dahil sa ini-reveal mo, Andre, mag-aaway kami!”
At para matapos na ang isyu kay Aga ay iniba na ni Aiko ang tanong sa anak kung sino ang gusto nitong makasama sa isang isla halimbawang ma-stuck (trapped) sila at si Jessy Mendiola ang sagot ng binata.
Sabi pa ng aktres, "Ako tanungin mo, sino ang gusto kong makasama sa island bukod sa Tito Jay (Khonghun) mo?"
Sagot kaagad ni Andre, “Si Aga.”
Sabi uli ni Aiko, “Alam mo, ang luma ng isyu mo. Ang saya na nu’ng tao.”
Dagdag pa nito, “Sinabi ba talaga ‘yan ng tatay mo? Alam mo, issue-maker ka. Mag-aaway kami talaga. Hindi na kami nag-uusap ng tatay mo, pero dahil sa ini-reveal mo, Andre, mag-aaway kami!”
Tawa naman nang tawa si Andre dahil sa reaksiyon ng ina sabay sabing, “Hindi, nagbibiro lang. Binibiro lang kita. Ito naman, patola.”
At para gumanda ang mood ng ina ay tinanong ni Andre kung sino ang gustong makasama nito sa island.
“Siyempre, si Piolo Pascual, si Papa P. Abs pa lang niya, ulam na, at hindi ako nagkakanin, siya lang ulam na, 'di ba?” sabi ni Aiko habang natatawa ang anak.
Muling kinulit ni Aiko ang anak kung gaano niya kadalas gawin ‘yung inamin (hindi na virgin).
“Ginagawa mo ito sa sarili mo mag-isa ka?” diretsong tanong ng aktres.
“Ang baboy naman, Mom!” nahiyang sagot ni Andre.
“Ano nga! Basta practice safe sex, at kung puwede, ‘wag n’yo munang gawin,” pakiusap ni Aiko sa anak na umoo naman.
In fairness, bagay si Aiko na maging talk show host. Para siyang reporter magtanong. Sana, ganitong klase rin ang mga tanong niya sa kasamahan niyang artista na plano niyang i-guest sa vlog niya.




Comments