top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Inggit sa mga pinsang may love life, makikilala ang “the one” ngayong 2021

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 10, 2021



KATANUNGAN

  1. Ako ay 23-anyos at wala pa ring nobyo hanggang ngayon kaya hindi ko maiwasang mainis sa mga pinsan ko na may kani-kanya nang boyfriend dahil parang ipinagmamalaki pa sa akin ang mga boyfriend nila.

  2. Mayroon naman akong mga manliligaw ngayon, kaya lang, walang seryoso at karamihan sa kanila, bukod sa torpe ay hindi ko naman gusto. Gusto ko kasi ay pormal na nanliligaw sa bahay namin para mas maramdaman ko ang sinseridad ng isang lalaki.

  3. Maestro, sa palagay n’yo, kailan ako magkaka-boyfriend para hindi na ako naa-out of place kapag kasama ko ang mga pinsan ko na may kani-kanyang BF?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang walang biyak at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend ngayon ay dahil kung sino ang una mong maging boyfriend, siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa.

  2. Nakatakdang dumating sa isang lugar na hindi mo inaakala at pagkakataong hindi mo inaasahan, na kinumpirma naman ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na namataang tumuntong sa Bundok ng Tagumpay (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na minsan ka lang magmamahal at magkaka-boyfriend. Gayundin, sa minsang ito ay magiging successful agad ang iyong love life at nakatakda na ring magiging maligaya at panghabambuhay na ang nasabing pagdating ng kauna-unahang pag-ibig na mananahan sa iyong puso.

  3. Ang pag-aanalisang kung sino ang magiging first boyfriend mo ay siya na rin ang mapapangasawa mo ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung saan napakapalad mo, sapagkat kung paano ka naging tapat sa iyong boyfriend, ganundin siya sa iyo, hanggang ang nasabing tapat at wagas na samahan ay tuluyan na ring mauuwi sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Taurus, sa taon ding ito ng 2021, sa buwan Disyembre at bago sumapit ang Pasko, makikilala mo na rin ang lalaking una at huli mong mamahalin, na isinilang sa sign na Capricorn na may birth date na 1, 10 o 19. Tulad ng nasabi na, sa sandaling kayo ay nagkakilala, magkakahulugan agad kayo ng loob at sa panahong tinuran, unti-unti nang mabubuo ang mainit at panghabambuhay na pagmamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page