- BULGAR
Inggit sa bff, babala na magiging karibal sa lalaki
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 4, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Julita ng Caloocan City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na inggit na inggit ako sa best friend ko dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian. Pero sabi niya, naiinggit siya sa akin dahil marami akong admirers.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Julita
Sa iyo, Julita,
Ang ibig sabihin ng naiinggit ka sa kaibigan mo dahil nasa kanya na lahat ng katangian, nagpapahiwatig ito na magiging magkaribal kayo sa pagmamahal ng isang lalaki.
Magdadaigan kayo kung sino sa inyong dalawa ang iibigin ng lalaking inyong tinatangi.
Samantala, ang ibig namang ipahiwatig ng ikaw mismo ang kinaiinggitan ng kaibigan mo dahil maraming nagmamahal sa iyo, nagpapahiwatig ito na madadaig mo siya at ikaw ang magwawagi sa puso ng lalaking kapwa n’yo minamahal.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna