top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ingat sa fake news lalo ngayong eleksyon

BULGAR
May 3, 2022
1 min read

@Editorial | May 3, 2022


Palala nang palala ang pagkalat ng fake news partikular sa social media.


Kung tumindi ito sa kasagsagan ng COVID-19, mas lumala pa ngayong eleksyon. Nagkalat ang mga pekeng account at bumabaha ng maling balita at impormasyon.


Kung hindi maalam sa pagsisiyasat, talagang madadale ng fake news.


Kaugnay nito, isang online quiz ang ginawa para maging diagnostic test sa kakayahang makatukoy ng fake news. Dito lumabas na anim sa 10 estudyante ang bagsak sa pagkilatis at nabibiktima ng fake news na talamak sa social media.


Sa nasabing pagsisiyasat, 38 percent lang ang pumasa.


Isa sa nakikitang dahilan ay ang kanila umanong long exposure sa social media lalo na sa Facebook kung saan, mabilis na nagba-viral ang mga post, lalo na ‘yung mga kontrobersyal kahit hindi naman totoo.


Kaya mahalagang maging mapanuri ang kabataan at mga botante lalo na ngayong halalan dahil ‘ika nga nila’y malalim at malawak ang epekto ng misinformation at disinformation.


Ilan sa mga notoryus na uri ng fake news ang quote cards at spliced video na pinagmumukhang galing sa mainstream media, at nagdudulot ng matinding emosyon sa nakakapanood o nakakabasa.


Kaya pakiusap sa lahat, piliin ang mga pina-follow o sinu-subscribe, pumunta sa mainstream media dahil legit ang content at huwag magpabiktima sa mga trolls.


Iwasan nating mabahiran ng fake news ang ating paniniwala lalo na sa pagpili ng mga kandidato.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page