top of page

Ine-enjoy lang ang isa't isa… ECHO, WALA PANG BALAK PAKASALAN SI JANINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 5 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 4, 2025



Photo: Janine at Jericho - IG


Lalong naging talk of the town sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez nang opisyal na kumpirmahin ng aktor na magdyowa na sila.


Anila, nagbibigay sa kanila ng inspirasyon lalo na sa kanilang career ang kanilang pagmamahalan.


Sey nga ni Echo sa isa niyang panayam, “Who wouldn’t fall in love with her?”

Habang nagsasalita si Echo ay nangingiti lang si Janine, lalo na’t ang naririnig niya sa aktor ay tungkol na sa kanyang personalidad.


Swak ang EchoNine dahil marami silang pagkakapareho.“We’re similar but also different in many ways. It’s such a healthy balance. We both like the beach, driving and old cars,” pakli pa ni Echo.


Wika naman ni Janine, “He’s so supportive, and he’s made me feel that there’s always someone who believes in me, who encourages me that everything’s possible.”


“He is really a cool guy. I saw so many layers about his personality and how sweet, kind hearted, and adventurous he is,” share pa niya.


Aniya pa, “Even just watching movies at home, cooking or working together, he puts 100 percent of himself in everything. I always feel his presence, that he’s there and attentive in the moment.”


Patuloy ng aktres, “It’s great because we’re sharing new experiences, like travelling. He always wants to spend time with my family, too. And he loves my dog!”


Tulad ng ibang couple, the two have their fair share of occasional misunderstanding — na para sa aktor, he considers an important part of any relationship. 


“We’re in the learning stage. How one couple learns to communicate and understand each other usually occurs during difficult times. That’s the whole exercise of getting to know your partner. It’s all about understanding how each one receives and gives,” esplika ni Echo.

At ang pinakaimportante raw ay respeto.


So when they disagree, for instance, the couple makes sure to talk things out.

“He’s so open and expressive. He’s willing to talk. It sounds simple, but it’s important,” sey naman ni Janine.


Isang importanteng lesson daw na natutunan nila in their relationship is to keep things private as much as possible.


“At the end of the day, whatever relationship you have is between you and the other person. You have to have a good foundation and trust because it’s a partnership,” ani ng aktres.

Tinanong ang celeb couple about marriage kung may plano na ba sila.

“We’re so new, and we want to take things slowly,” sagot ni Janine.


“For now, our plans include returning to Japan and planning our birthday trip. We also want to do a project together, conceptualising it from beginning to end. So it’s all about really exciting things,” ayon naman kay Echo.


Natuwa naman ang EchoNine fans sa pag-amin ni Echo sa relasyon nila ni Janine na ginawa ng aktor sa mismong wake ng Mamita Pilita Corrales (RIP) ng GF.


Humanga ang mga netizens sa ginawang confirmation ni Echo, pagpapatunay daw iyon na mahal ng aktor ang apo ng Asia's Queen of Songs.

Komento ng isa, “He’s a very gentlemanly person. Ipinaalam talaga niya sa mahal na lola ni Janine ang malinis na intensiyon niya sa aktres. Kaya for sure, masaya ang Mamita ni Nini sa love life ng apo.”



Mga anak daw ang naapektuhan… JACKIE, SISING-SISI NA NAKIPAGHIWALAY KAY RICKY


ISANG araw matapos pumanaw si Ricky Davao ay nagbigay ng tribute para sa kanya ang ex-wife na singer-actress na si Jackie Lou Blanco.


In her now-viral Instagram (IG) Story, Jackie Lou said that Ricky will be ‘forever missed’ at sinabihan din niya ito ng “I love you.”


Ini-repost ni Jackie Lou ang video na originally shared ng talent manager na si Noel Ferrer, showing Ricky happily performing at the Pinoy Playlist Music Festival back in October 2019.


“Araw-gabi... Nasa isip ka... SALAMAT AT PAALAM, Ricky Davao!” ang caption ni Noel.

Ibinahagi rin ni Jackie Lou ang photo posted mula sa kanilang anak ni Ricky na si Ara Davao, featuring Ricky with Jackie Lou’s mother, the iconic singer Pilita Corrales, who herself passed away just a few weeks earlier at 85.


Ani Jackie, “I know you are singing in Heaven. You will forever be missed. I love you.”

Kahit matagal nang hiwalay sina Jackie Lou at Ricky, nanatili ang respeto nila sa isa't isa at ang dedication nila to co-parenting their three children — Kenneth, Rikki Mae, at Ara.


Last June, 2023, sa isang panayam sa aktres-singer, she expressed regrets over their separation.


“Sana hindi kami naghiwalay ni Ricky kung mababago ko siya only because I can see how affected my children were,” ani Jackie Lou.



NAGBAHAGI ng madamdaming mensahe ang girlfriend ni Ricky Davao na si Mayeth Malca sa pagpanaw ng aktor.


Sa kanyang social media ay ibinahagi niya ang kanilang mga pinagsamahan sa gitna ng laban ni Ricky kontra cancer.


“Pinakamagandang desisyon,” daw ang manatiling kasama si Ricky hanggang sa huli.

Isang madamdaming mensahe ng pag-ibig at pagluluksa ang ibinahagi ni Malca sa isang madamdaming post sa social media.


Kasunod ng anunsiyo ng pamilya tungkol sa pagpanaw ni Ricky, agad na naglabas ng kanyang saloobin si Malca, na naging katuwang ng aktor sa mahirap na laban nito sa cancer. Sa kanyang Instagram, buong puso niyang inalala ang kanilang pinagsamahan:


Aniya, “You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought.”


Nagbigay din siya ng pasasalamat at pagmamahal kay Ricky sa bawat araw na magkasama sila.


Esplika niya, “The best decision I have ever made in my life was to be with you and never leave your side all throughout.”


Ibinahagi rin niya kung gaano siya minahal ni Ricky, at kung paanong sa kabila ng kahinaan nito ay hindi nawawala ang pag-aalala sa kanya.


“Are you tired na?” ang madalas daw itanong ni Ricky, at lagi siyang sumasagot ng, “I will never get tired of taking care of you—because we are in this journey together.”


Umantig sa puso ng marami ang kanyang pag-amin na, “I lied when I told you I’d be okay. I lied when I said I'd be strong. Because the truth is, life doesn't feel right without you.”


Dagdag pa niya, may puwang na iniwan si Ricky sa kanyang puso na kailanma’y hindi mapupunan. 


“There’s an emptiness now that nothing can fill. And I miss you more than words will ever be able to express.”


Maraming netizens ang nagpaabot ng suporta at pakikiramay, kabilang na ang ilang kasamahan sa industriya.


Ipinakita nila ang paggalang sa pagmamahalan ng dalawa at sa lakas ng loob na ipinakita ni Malca sa panahon ng pagsubok.

Sino nga ba si Ricky Davao?


Siya ay isa sa mga tinitingalang aktor at direktor sa showbiz. Sa loob ng higit apat na dekada, pinatunayan niya ang kanyang husay sa pagganap sa telebisyon, pelikula, at teatro. Ilan sa kanyang mga proyekto ay kinilala at pinarangalan ng mga prestihiyosong award-giving bodies.


Bilang ama, naging inspirasyon siya sa kanyang mga anak at tagasuporta. Kilala siya sa kanyang dedikasyon sa trabaho, mabuting pakikisama, at malalim na pagmamahal sa pamilya.


Samantala, inilarawan naman ni Arabela ang kanyang ama bilang isang haligi ng kanilang pamilya at isang tunay na mandirigma sa laban nito sa sakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page