top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Indikasyon na ‘di yayaman kahit 5 ang birth date

  • BULGAR
  • May 7, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 7, 2022




KATANUNGAN

  1. Sabi n’yo, ang mga taong isinilang sa petsang five o singko (5) ay yumayaman. Pero bakit hanggang ngayon, sa edad kong 47 ay hindi pa rin ako yumayaman at baon pa rin ako sa utang?

  2. Sa palagay n’yo, makakaahon pa ba ako sa mga pagkakautang at may pag-asa pa akong umunlad at yumaman?

KASAGUTAN

  1. Kahit sabihin pang Taong Singko (5) o Otso (8) kayo, kung hindi naman tumutugon ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa inyong kapalaran, malabo pa ring yumaman ang isang indibidwal. Sapagkat ang pag-aanalisa sa Numerology, gayundin sa Astrology ay siyempre, dapat itong makumpirma ng datos mula naman sa guhit ng palad upang masabing 100% tugma ang pag-aanalisang yayaman ang isang tao.

  2. Sa kaso mo, Melvin, kapansin-pansin kasing very sloping ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, ikaw ay hindi naman materyoso at kulang din sa diskarte o praktikalidad. Kumbaga, marami kang gustong gawin at ambisyon sa buhay, pero hindi mo naman magawa at matupad.

  3. Kaya nagiging sloping ang Head Line (arrow a.) ng isang indibidwal, sa totoo lang, medyo nabubuhay at masaya na siya sa mga plano at pangarap na wala namang katuparan. Dagdag pang nakasama sa guhit ng iyong palad ang nahulog na Business Line at Career or Fate Line (Drawing A. at B. B-B arrow b. at F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Tanda na bagama’t malimit ka ring makahawak ng malalaking halaga ng salapi, madali mo naman itong nailalabas, sa halip na ipunin at ibulsa, ginagastos mo ito agad hanggang ikaw ay masimot. Dahil dito, nabaon ka sa mga utang at tunay ngang hindi mo minamahal ang bawat piso o sentimo na iyong nahahawakan. Kaya kahit paulit-ulit pang sabihin sa Numerology na ang mga Taong Singko ay yumayaman, hinding-hindi mangyayari sa iyo ito dahil hindi katugma ng numero mong 5 at ang guhit sa iyong mga palad.

DAPAT GAWIN

Kung hindi ka yayaman, sino ngayon ang yayaman at paano ka makakaahon sa mga pagkakautang? Maghanap ka ng isa sa mga anak mo na may straight Head Line (H-H arrow d.) at ang Fate Line at Business Line (Drawing A. at B. F-F arrow e. at B-B arrow f.) ay hindi nahulog sa pagitan ng mga daliri. Kung sinuman sa mga anak mo ang nagtataglay nito, kahit ano pa ang hawak niyang numero, mas malamang na ang guhit pa rin ng kanyang mga palad ang matutupad – tatlong malilinaw na indikasyon na ang indibidwal ay siguradong yayaman, (arrow d., arrow e. at arrow f.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page