top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Inanod sa creek... Bangkay ng babae, nakasilid sa maleta

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26
1 min read

ni BRT @News | July 26, 2026



Inanod sa creek... Bangkay ng babae, nakasilid sa maleta

Photo: Sinelyuhan ng mga pulis ang lugar kung saan nadiskubre ang isang bangkay ng babae na nasa loob ng maleta sa Brgy. Tanyag, Taguig City. (Jeff Tumbado)



Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan sa loob ng isang maleta na inanod sa isang creek sa Brgy. Tanyag, Taguig City nitong Biyernes.


Ayon sa Taguig City Police, nadiskubre ang maleta matapos itong mapansing nakabara sa creek sa Purok 5 kasunod ng malakas na pag-ulan dulot ng sama ng panahon.

Sa isinagawang pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), natagpuang nakabalot sa garbage bag ang katawan ng biktima.


Lumitaw din sa inisyal na imbestigasyon na ilang araw na itong patay batay sa kondisyon ng labi.


Ayon kay Taguig City Police spokesperson Capt. Melvin Garcia, may posibilidad na hindi sa Taguig isinagawa ang pagpatay at maaaring inanod lamang ang maleta patungo sa naturang creek.


Naniniwala ang mga imbestigador na maaaring nagmula ang maleta sa direksyon ng Manila Bay.


Hinihikayat naman ng Taguig City Police ang sinumang may impormasyon hinggil sa insidente o maaaring makatulong sa pagkilala sa biktima at sa mga responsable sa krimen na makipag-ugnayan sa pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page