Inabutan daw sa condo… BETONG, NAPURGA SA DE-LATA NU'NG LOCKDOWN
- BULGAR

- Aug 23, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 23, 2020

Nakakatawa ang kuwento ng comedian na si Betong Sumaya tungkol sa kanyang naging experience nang abutan ng lockdown sa inuupahang condo. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng lockdown dahil sa Covid pandemic. Hindi na siya nakauwi sa bahay nila sa Antipolo. Nag-panic daw siya at namakyaw ng maraming de-lata at noodles. 'Yun ang iniluluto niya araw-araw.
Naging problema rin ni Betong ang paglalaba ng kanyang mga damit dahil sarado ang mga laundry shop. Kaya, no choice si Betong kundi labhan ang kanyang mga damit.
Nakaramdam din siya ng pagkainip at pagkaburyong dahil sa matagal na natengga sa bahay. Natigil kasi ang teyping ng Bubble Gang. Limang buwan din na wala siyang pinagkaabalahan.
Mabuti na lang at may game show online na Quizz Beh at nag-resume na rin sila ng teyping sa Bubble Gang.
Maraming experiences at natutunan si Betong sa nagaganap na krisis ngayon na dulot ng Covid pandemic. Mas na-appreciate raw niya ang healthy living at pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay.





Comments