top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Inabuso, pahiwatig na ‘di labs ang manliligaw na bet ng magulang

BULGAR
Sep 4, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 4, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Quezon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-apply ako sa trabaho, tapos ininterbyu ako ng isang matandang lalaki na siyang may-ari ng kumpanya. Pagkatapos ng interview ay hinila niya ako sa office at minolestiya. Nagsisigaw ako, pero walang nakarinig dahil malakas ang music sa opisina niya.


Pagkatapos nu’n, ipinagtimpla niya ako ng kape para kumalma ang pakiramdam ko at nagising na ako. Panaginip lang pala ang lahat at ang akala ko ay totoo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma



Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-apply ka sa trabaho, ininterbyu ka ng matandang lalaki na may-ari ng kumpanya ay financial success. Yayaman at makakaahon ka na sa kahirapan.


Gayunman, ang sabi mo ay hinila ka niya sa kanyang opisina at minolestiya, ito ay nagpapahiwatig na wala kang nararamdaman kahit katiting na pagmamahal sa manliligaw mo na gusto ng parents mo na iyong mapangasawa.


Samantala, ‘yung malakas ang music kaya walang nakarinig sa sigaw mo ay nangangahulugan ng masaya at maginhawang pag-aasawa sa lalaking iyong napupusuan. Ito rin ay nagpapahiwatig na marami kang kaibigang nagmamahal sa iyo at nakikibahagi sa tagumpay mo.


Ang sabi mo ay ipinagtimpla ka ng kape ng matandang lalaki, ito naman ay nagpapahiwatig ng kaligayahan na malapit mo nang maranasan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page