top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Imbyerna sa kapatid sa labas dahil maldita

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig |Pebrero 8, 2023


Dear Sister Isabel,


Magandang araw sa inyong lahat.


Ang problema ko ay tungkol sa kapatid ko sa labas na bigla na lang sumulpot dito sa amin at dito na tumira. May anak pala sa ibang babae ang papa ko. Gayunman, namatay ang nanay niya sa COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya. Kinupkop ng papa ko ang anak niya sa labas at dito na pinatira sa bahay namin.


Bagama’t nabigla kaming lahat, tinanggap na rin namin siya at inunawa na lang ng mama ko ang sitwasyon. Ang problema, akala mo ay kung sino itong kapatid namin sa labas. Babae siya at sobrang taray. Siya na nga ang nakikitira sa amin, pero siya pa ang mistulang boss kahit kami ang legal na pamilya.


Mas matanda ako sa kanya nang dalawang taon. Sa totoo lang, muntik ko na siyang masapak dahil sa katarayan niya. Ang pangit talaga ng ugali niya dahil walang modo.


Ano ang puwede kong gawin para turuan ng leksyon ang kapatid naming ito? Hihintayin ko ang payo n’yo.

Nagpapasalamat,

Dorothy ng Tarlac


Sa iyo, Dorothy,


Pasensya, pang-unawa at pagmamahal ang dapat mong gawin sa kapatid mo sa labas na biglang naging bahagi ng pamilya n’yo. Unang-una, isipin mo na kamamatay lang ng nanay niya at marahil ay lumaki siya sa paligid na hindi well-mannered ang mga taong nakakahalubilo nila.


Bilang nakatatanda, ipakita mo ang tamang ugali na dapat niyang pamarisan. Unti-unti ay mamumulat siya na maling-mali ang inaasal niya.


Gayundin, ipadama mo sa kanya ang malasakit at pagmamahal na marahil ay hindi niya nadama noon kaya ganyan ang ugali niya. Makikita mo na mapapahiya siya sa inaasal niya at unti-unti rin siyang magbabago at magkakasundo kayong lahat.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page