Search
  • BULGAR

Imbyerna sa classmate na nerd kaya ‘di makasundo

Dear Roma Amor - @Life & Style | August 30, 2020




Dear Roma,

Ako si Ayesha, 18 years old. Friendly akong tao pero mayroon akong kakilala na talagang ayoko sa kanya. Para kasi sa akin, napaka-negative niyang tao at wala siyang ka-class-class. Ayaw din sa kanya ng halos lahat ng kaklase namin dahil masasabing mahirap lang din sila at ewan ko ba kung bakit sa school namin siya nag-enroll. Actually, scholar siya kaya nerd type na loner. Basta, ayaw talaga namin ng barkada ko sa kanya. Friendly naman ako at mahilig akong manlibre ng mga kaklase, siguro isa pang dahilan ‘yun kaya halos lahat sa eskuwelahan ay kaibigan ko. Pero pagdating sa kanya, hindi ko siya ma-take, kumbaga, naiinis ako sa kanya. Matalino siya kaya ru’n lang kami nagkakasundo kasi tinuturuan naman niya ako kapag ‘di ko alam, pero after nu’n, ewan ko ba, parang hindi ko talaga siya bet. Ano ba ang dapat kong gawin para masabi ko sa kanya na ayoko siya? Kung gusto niyang maging kaibigan ko, magpaka-class naman siya kahit konti lang.


– Ayesha


Ayesha,


Sa totoo lang, may mga tao talagang hindi natin gusto kahit friendly tayo. Pero isipin mo, dapat ba talagang sabihin mo sa kanya na ayaw mo sa kanya o baka mas mabuting ikaw na lang ang umiwas kung hindi talaga kayo magkasundo?


Minsan kasi, hindi na natin kailangan gawing isyu ang ibang bagay, lalo na kung wala namang ginagawang masama sa ‘yo ang ibang tao. Gayundin, kailangan mong tanggapin hindi lahat ng tao ay makakasundo mo sa lahat ng bagay, kaya kung wala kang intensiyon na makipag-kaibigan sa kanya, ‘wag ka nang magpaka-stress dahil lang hindi mo siya bet. Pero kung gusto mo talagang makipagkaibigan sa kanya, bigyan mo pa ng chance. ‘Wag mong ibase sa pagiging ‘nerd’ niya o kawalan ng class ang dahilan para hindi makipagkaibigan. Good luck!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.