top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Imbyerna sa bff na ayaw magbayad ng utang

BULGAR
Dec 21, 2022
1 min read

ni Sister Isabel del Mundo @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | December 21, 2022




Dear Sister Isabel,


Gusto kong humingi ng payo tungkol sa kaibigan kong matagal nang may utang sa akin. Malaking halaga ang inutang niya at hanggang ngayon ay hindi pa niya nababayaran, halos isang taon na ang nakakalipas. Mayroon naman akong pinagkakakitaan, pero ang ipinagtataka ko ay bakit ayaw niyang magbayad ng utang at kahit man lang hulugan ay ayaw niyang magbayad. Ang matindi pa, siya pa ang galit kapag sinisingil ko.


Ano ang dapat kong gawin para magbayad ng utang ang kaibigan kong ito? Itinuring ko pa naman siyang kaibigan, ‘yun pala ay susubain ako. Hihintayin ko ang payo n’yo.


Nagpapasalamat,

Lulu ng Pampanga



Sa iyo, Lulu,


Mayroon talagang ganyan na mangungutang, pero hindi na babayaran. Makabubuting bigyan mo siya ng warning at kapag hindi pa niya binayaran ang matagal na niyang utang ay sabihin mong ipapabarangay mo na siya. Sabihin mo rin na kung nabibigatan siyang i-cash, hulog-hulugan na lang hanggang mabayaran niya lahat dahil kinakapos ka na sa pera at hindi gaya ng dati.


Baka akala niya ay may balon ka ng pera at hindi na kailangan pang madagdagan ang kita. Nakikita siguro niya na maluwag ang pasok ng pera sa inyo, kaya wala nang balak na bayaran ka.


Gayundin, araw-arawin mo ang paniningil para mapilitan siyang magbayad. Ganyan talaga ang buhay, kung sino pa ang may utang, siya pa ang matapang.


Ipinapayo ko na lawakan mo na lang ang iyong pasensya at pagpapalain ka. Ang taong mapagpasensya ay kinalulugdan ng Diyos. ‘Yan na lang ang isipin mo at tiyak na bubuhos ang biyayang darating sa inyo.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page