top of page
Search
  • BULGAR

Imbes na paasenso, buhay ng mga Pinoy, pahirap nang pahirap

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 25, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG PATOL KAY PBBM ANG HIMUTOK NI FL LIZA KAY VP SARA -- Mismong si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ang nagsabi na wala siyang planong sibakin sa puwesto si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Dept. of Education (DepEd).


Kung ganu’n, wala palang patol kay PBBM ang himutok ni First Lady Liza Araneta-Marcos laban kay VP Sara, boom!


XXX


KAHIT ARAW-ARAW ATAKEHIN NINA EX-P-DUTERTE AT MAYOR BASTE SI PBBM, HINDI SISIBAKIN NG PRESIDENTE SI VP SARA KASI TAKOT SIYA SA PAMILYANG DUTERTE AT SA MGA DDS -- Sa totoo lang, kahit araw-araw atakehin nina ex-P-Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte si PBBM ay matatakot talaga ang Presidente na sibakin sa puwesto si VP Sara.


Alam kasi ni PBBM na kapag sinibak niya si VP Sara ay lalo siyang puputaktihin nang atake nina ex-P-Duterte, Mayor Baste at ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS), period!


XXX


KAYA SAPAT ANG SUPPLY NG BIGAS SA ‘PINAS, KASI WALA NANG INATUPAG ANG MARCOS ADMIN KUNDI MAG-IMPORT NANG MAG-IMPORT NG MGA IMPORTED RICE -- Ibinida ni PBBM na ngayong panahon ng tag-init ay wala raw dapat ikabahala ang mga Pinoy tungkol sa pagkain kasi sapat daw ang supply ng bigas sa bansa.


Kung makapagsalita si PBBM, feeling niya rice self-sufficient na ang ‘Pinas, eh sa totoo lang, kaya lang naman sapat ang supply ng bigas sa bansa kasi wala nang inatupag ang Marcos administration kundi mag-import nang mag-import ng mga imported rice sa Vietnam at India, boom!


XXX


SURVEY NG OCTA NA BUMABA RAW ANG BILANG NG MAHIHIRAP NA PAMILYANG PINOY, FAKE NEWS! -- Sa survey ng OCTA Research Firm ay bumaba raw ang bilang ng mga mahihirap na pamilyang Pinoy sa bansa.


Walang duda, ‘yang survey ng OCTA ay fake news, kasi sa taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin at sa rami ng jobless, ang buhay ng Pinoy sa ‘Pinas ay pahirap nang pahirap, hindi paasenso, period!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page