top of page
Search

Illegal campaign materials, baklasin para ‘di makasuhan

BULGAR

by Info @Editorial | Feb. 13, 2025



Editorial

Sangkaterbang ilegal na campaign materials ang nahakot sa pagsisimula ng kampanya kasabay ng pagkasa ng ‘Operation Baklas’ sa buong bansa. 


Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang nakuhang mga poster ay kanilang itatabi at ia-account upang magamit bilang ebidensya kung sakali man na may mga kandidatong nagmatigas na paulit-ulit na ipinapaskil pa rin ito sa mga hindi common poster area.


Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iikot ng mga local Comelec sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tanggalin ang mga illegally posted na mga campaign material na nasa mga poste ng kuryente at puno. 


Babala ng poll body, tatlong araw lamang ang ibibigay sa mga kandidato upang tanggalin ang mga ito dahil kung hindi ito masunod, sila na mismo ang magtatanggal nito at maaari pa silang humarap sa kasong kriminal.


Puwede pa umanong i-presume ang mga kandidato na sila pa rin ang mga naglagay ng mga ito kahit na sabihin pa nilang kalaban ang nagkabit o kaya’y mga supporter lang nila.


Umaasa tayo na walang palalampasin sa ‘Operation Baklas’. Lahat ng lalabag ay mapapatawan ng karampatang aksyon. Gayundin ang pag-iisip ng mas epektibong solusyon sa nasabing problema na paulit-ulit na lang tuwing halalan.


Panawagan naman sa publiko, kung sakaling may maaaktuhang pasaway sa pagkakabit ng campaign materials, maaari itong kunan ng litrato o video at ipadala sa Comelec.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page