top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Ilegal na cosmetics clinics, nagkalat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 23, 2026



Editoryal, Editorial


Nakakalat ngayon ang mga illegal cosmetic clinic sa mga condo, apartment, at residential area. Kahit walang permit at walang lisensiyadong doktor, tuloy pa rin sila sa pag-aalok ng botox, fillers, glutathione drips, at iba pang cosmetic procedures. 

Mas pinipili sila ng iba dahil mas mura, pero kapalit nito ay malaking panganib sa kalusugan at buhay.


Hindi laruan ang cosmetic procedures. Kapag mali ang ginawa o marumi ang gamit, maaaring mauwi ito sa impeksiyon, pagkasira ng mukha, o pagkamatay. Hindi sapat na marunong lang mag-inject o may magandang setup sa social media. Kailangan ng tamang training, lisensya, at ligtas na pasilidad.


Nakakabahala rin na parang madaling makalusot ang mga ganitong operasyon. Nasaan ang mga otoridad? Kung may mahigpit na inspeksiyon at monitoring, bakit patuloy silang nakakapag-operate? Dapat seryosohin ito ng gobyerno dahil buhay ng tao ang nakataya.


May responsibilidad din ang publiko. Hindi dapat nagpapadala agad sa murang presyo at online promotions. Bago magpagawa ng anumang procedure, siguraduhing lisensiyado ang doktor at rehistrado ang klinika.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page