Ilang parte ng ‘Pinas, maulan dahil sa LPA
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 19, 2020

Heads up sa mga commuters, magdala ng payong dahil ayon sa PAGASA, magiging maulan dahil sa namumuong low pressure area (LPA).
Magdadala ng malakas na pag-ulan ang LPA at habagat na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility. Ang LPA ay nasa 255 kilometers east northeast ng Borongan City Eastern Samar.
Ayon naman kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, maliit lamang ang tiyansa nitong maging bagyo.
Makararanas ng malakas na ulan ang ilang parte ng Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol, Quezon kasama ang Polillo Island, Aurora at Isabela dahil sa LPA.
Samantala makararanas din ng malakas na pag-ulan ang bahagi ng Metro Manila,
Mimaropa, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Zamboanga Peninsula dahil
naman sa habagat.





Comments