top of page

Ikinulong umano sa POGO site… 70 dayuhan, na-rescue sa Cainta, Rizal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | September 17, 2022



Arestado ang isang lalaking Chinese national ng mga awtoridad habang na-rescue ang mahigit sa 70 dayuhan na idinetained umano sa loob ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) site sa bayan ng Cainta, Rizal nitong Biyernes.


Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nasagip nila ang 70 Chinese workers, dalawang Taiwanese, isang Malaysian, at isang Vietnamese sa operasyong isinagawa sa koordinasyon ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Immigration (BI), at Chinese Embassy.


“We got a request coming from the Chinese Embassy, requesting our office to rescue Chinese national[s]. Acting on it we immediately formed a team,” pahayag ni Assistant Director for Investigative Service Jose Doloiras.


Sinabi ni Doloiras na iniimbestigahan pa ng NBI ang insidente.


“Ang allegation is kidnapping, illegal detention. That is a heinous crime we immediately act on it,” saad ni Doloiras.


“We do not know purpose nila … That is what are going to find out kasi ayaw magsalita pa,” sabi pa nito.


Sa pahayag ng isa sa mga biktimang Chinese national, siya at kanyang mga kasamahan ay puwersahan umanong pinagtatrabaho sa isang online casino at aniya, binubugbog o tased, tinatakot sila kapag tumanggi sa naturang suspek.


Ipinakita rin ng biktima ang mga marka ng paso sa kanyang likod at binti. Pahayag pa niya, hindi siya sinabihan na magtatrabaho siya sa isang aniya, “fraudulent POGO scheme” matpos na i-recruit.


Ayon kay Doloiras, posibleng ang mga biktima ay mga illegal aliens dahil wala silang mga IDs o mga dokumentong maipakita.


“We are going to process these people, profile them, if they are here without documents we will turn them over sa BI,” sabi ni Doloiras.


Ani Doloiras, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno upang masugpo ang ganitong ilegal na operasyon.


“Actually ito ang task ng government ngayon we are doing our best [para] masugpo ang ganitong illegal activities,” anang opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page