top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ikatlong pag-aasawa, darating sa bebot na 2 beses nabiyuda

BULGAR
Sep 26, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 26, 2022


Dear Maestro,


Dalawang beses na akong nabiyuda. Ang una ay sa murang edad at ang pangalawa ay magli-limang taon na ang nakakaraan.


Nakapag-abroad na rin ako at du’n ko nakilala ang aking pangalawang asawa.


Nakaipon naman ako nang bahagya sa aking pag-a-abroad, pero naubos din dahil nalugi ako sa mga negosyong napasukan ko, at minsan ay naloko rin ako nang malaking halaga sa pag-a-apply ko ulit sa abroad. Mula nu’n, nadoble na ang aking hirap at marami pa akong utang sa mga kapatid ko. Gusto kong subukan na mag-apply ulit, pero wala na akong pera na gagamitin sa pag-asikaso ng mga papeles.


Minsan ay naisip ko na ring mag-asawa muli dahil ngayon ay may nanliligaw naman sa akin na binata. Mabait, responsable at relihiyosong tao, gayundin, siya ay magsasaka.

Maestro, kung sakaling magpakasal ako sa kanya, liligaya at giginhawa ba kami? Gayundin, compatible ba kami? April 24, 1985 ang birthday ko, habang June 30, 1983 naman ang manliligaw ko.


Gusto ko ring malaman ang masuwerte kong taon, araw, petsa, kulay at numero.

Suwerte ba ako sa susunod na taon at kung sakaling makapag-abroad akong muli, giginhawa na ba ang buhay ko?


Umaasa,

Rowie ng San Roque, Jaen, Nueva Ecija

Dear Rowie,


Ang birthday mong April 24, 1985 ay nagsasabing, bukod sa ikaw ay nagtataglay ng zodiac sign na Taurus, ikaw din ay may birth date na 6, (ang 24 ay 2+4=6) at may destiny number na 6, (dahil 4+24+1985=2013/ 20+13=33/ 3+3=6).


Ibig sabihin, ikaw ay matatawag na taong may “pure six personality” dahil bukod sa may birth date mong 6, destiny number na 6 at zodiac sign mong Taurus na may ruling planet na Venus ay may kaakibat o katumbas ding numerong 6. Dahil dito, simple lang ang paraan upang ikaw ay umunlad at lumigaya.


Una, palagi kang magsuot ng kulay pula o pink, lilac, violet at iba pang kuhay na hinango sa pula. Pagpalit-palitin mo lang ang nasabing mga kulay upang mas madali mong mahigop ang positibo at magagandang kapalaran. Bukod sa pula, minsan, puwede ka ring humugot ng kulay sa pamilya ng blue o asul, ibig sabihin, lahat ng uri ng asul, maliban sa sky blue ay mapalad mo ring kulay.


Pangalawa, dahil ang numerong sais (6) ay may kaugnayan nga sa planetang Venus na naglalarawan ng sensual love, beauty, fertility, seductive feminine power, sexuality, impulse, intuition, intimacy, harmony, beauty and love, dapat palagi kang in love at may pagnanasa upang sumigla at sumulak ang iyong libido. Ang libido na ito ay maraming kahulugan, puwedeng libidong pang-sekswal at inner power o drive. Ang mahalaga, ang libido na ito ang magtutulak sa iyo upang lalo kang sumigla at ganahan sa iyong mga ginagawa araw-araw.


Pangatlo, dahil ang Venus ay may kaugnayan sa beauty, kailangan ay palaging malinis, maganda at romantiko ang iyong kapaligiran. Halimbawa, mayroon kang sariling kuwarto, lagyan mo ito ng makulay o romantic na wallpaper, puwede ring makulay na mga larawang angkop sa iyong panlasa.


Gawin mo ito upang sa tuwing papasok ka sa iyong kuwarto o paggising mo palang sa umaga, dahil napaka-romantic at makulay ang iyong silid, magkakaroon ka ng bagong kasiglahan at lakas na magpatuloy sa araw-araw at magiging positibo rin ang pananaw mo sa buhay. Ang mga bagay kasing ito ang magbibigay ng dagdag na liwanag sa iyong awra at ito naman ang hihigop at sasagap ng mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran.


Pang-apat, sa inyong bakuran, kailangang may tanim kang bulaklaking halaman na araw-araw mong dinidiligan, tinatanggalan ng mga tuyong dahon at kinakausap. Unconsciously, sa mga halamang ito mapupunta ang mga negative side ng iyong personalidad, kaya kapag naghahalaman ka, kusang mawawala ang iyong lungkot, takot, pag-aalala at pagkabalisa, habang patuloy kang nagsisinop ng isang maliit na hardin sa inyong bakuran.


Kaya gawin mo muna ang mga simpleng mungkahi sa itaas at makikita mo na mabilis ang magaganap, kung saan pagsapit ng susunod na taong 2023, magbabago ang iyong mundo – magliliwanag ang iyong madilim na buhay. Sa nasabing panahon at sa edad mong 38 pataas, susuwertehin ka na, makakapag-abroad, makakapag-asawa at muling magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page