top of page

Ikalawang pag-a-abroad, nakatakda sa ex-ofw na natanggal sa work

  • BULGAR
  • Sep 4, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 4, 2022




KATANUNGAN

  1. Kagagaling ko lang sa Saudi, pero nagbawas ng tao sa aming kumpanya at isa ako sa mga natanggal. Para makabawi at makabayad ako sa mga utang, nag-a-apply ulit ako sa abroad. Gusto kong malaman kung may ikalawa bang pagkakataon para makapag-abroad ako at this time, magtatagumpay na ba ako at hindi na ako mapapauwi?

  2. Ang dami kong utang at wala akong nakikitang ibang paraan kundi ang mag-apply ulit sa abroad. Ano ang nakaguhit sa aking palad, may suwerte ba ako sa pangingibang-bansa o sadyang malas ako sa career?

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil ‘ika nga ng palasak na kasabihan, “Habang may buhay, may pag-asa.” Bagama’t sinansala ng Guhit ng Hadlang (Drawing A. at B. d-d arrow a.) ang naunang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.), kapansin-pansin naman ang ikalawang mas mahaba at malinaw na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa ikalawang pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat, walang duda na susuwertehin ka na.

  2. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa ikalawang pag-a-abroad ay madali namang kinumpirma ng maganda mong lagda na pumangit sa simula, ngunit sa bandang gitna ay tuloy-tuloy na rin hanggang sa dulong bahagi ay naayos at gumanda na.

  3. Ibig sabihin, karamihan ay sa umpisa, sa mga nakaraan mong karanasan, tulad ng first love o unang pakikipagrelasyon ay medyo palpak, pero ang mga sumunod ay naging maligaya ka na. Ganundin sa career at pangingibang-bansa, sa ikalawang pagtatangka, susuwertehin ka na, at ito ay kinumpirma rin ng destiny number mong 2. Ang destiny number na 2 ay nagsasabing, sa ikalawang bagay, pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay, tulad ng naipaliwanag na, may maganda nang kapalaran at buwenas na karanasan na itatala sa ikalawang pagnanais na makapangibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Wala namang masama na sumubok nang sumubok hanggang sa magtagumpay. Sa aktuwal na karanasan, hindi sinusuwerte sa simula, pero sa sandali namang pinalad, magtutuloy-tuloy na ang suwerte at magagandang kapalaran.

  2. Ganundin ang nakatakda, Abdul, ayon sa iyong mga datos, sa ikalawang paglalakbay, papalarin ka na. Ito ay nakatakdang mangyari sa last quarter ng taong ito, humigit-kumulang sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre, kung saan may mabiyaya at mabungang pag-a-abroad na itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page