top of page

Iba’t ibang kahulugan ng tubig sa pool

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2024
  • 1 min read

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 24, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenzo ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sobrang init, kaya naman naisipan kong tumalon sa swimming pool para maligo. Noong una, malinaw pa ang tubig sa pool, subalit habang tumatagal ay lumalabo na ang tubig hanggang sa tuluyan na itong naging marumi, at makati sa balat. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorenzo




Sa iyo, Lorenzo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong tumalon sa swimming pool para maligo ay may mga hahadlang sa mga plano mo na dapat mong malampasan para makamit mo ang iyong tagumpay. 


Kung may karelasyon ka na, makakaranas ka ng ‘di pagsang-ayon ng mga mahal mo sa iyong nobya. Tututol sila na siya ang iyong mapangasawa. 


Ang malinaw na tubig ay nangangahulugan ng kasaganahan at kaligayahan, habang ang malabong tubig naman ay nagpapahiwatig ng karamdaman at kalungkutan sa buhay.


Kung lumangoy ka, at nakaangat ang ulo mo, ito ay nangangahulugan na malalampasan mo ang lahat ng pagsubok mo sa buhay. 


Pero kung nakalubog ang ulo mo, ito ay paalala na mag-ingat ka. Dahil may posibilidad na madamay ka sa gulo.


Samantala, ang kumati ang balat mo dahil sa maruming tubig sa swimming pool ay simbolo ng kalungkutan at pabagu-bagong kalagayan sa iyong buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page