top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Iba’t ibang kahulugan ng naligaw at mag-isa sa isla

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 6, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Masbate.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na naligaw ako sa isang isla at nag-iisa ako ru’n. Maya-maya, naramdaman ko na makati ang katawan ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Hindi mo nabanggit kung pangit o maganda ang isla, gayundin kung may mga berdeng halaman, maraming namumulaklak na halaman o ang islang naturan ay napakalungkot at walang puno sa paligid o mga bulaklak na namumukadkad.


Gayunman, kung pangit ang isla, walang puno at magagandang halaman sa paligid, ito ay nangangahulugan na may mawawala kang mahal sa buhay, ibig sabihin, papanaw na siya at labis mo itong ikalulungkot.


Samantala, kung maganda ito, may mga berdeng halaman, naggagandahang puno at namumulaklak na mga halaman, ito ay nagpapahiwatig na ang kasalukuyan mong karelasyon ay pabagu-bago ang isip. Hindi kayo magkakatuluyan pero may makikilala kang iba na magiging destiny mo. Pakakasalan mo siya kahit hindi mo pa siya lubusang kilala.


‘Yun namang nangati ang iyong katawan habang nasa isla ka, ito ay nangangahulugan ng pabagu-bagong sitwasyon ang daranasin mo. Minsan, masaya at minsan nama’y malungkot, kumbaga, hindi stable. Maging handa ka sa anumang sitwasyong kakaharapin mo dahil sadyang ganyan ang buhay, ‘ika nga, weather-weather lang.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


1 Comment


MA DI
MA DI
Mar 06, 2022

Dear maestra,


Nais ko din po sana malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Malinaw po sa akin napaniginipan ang mga tao at sa pakiramdam ko na parang totoo ang mga pangyayari.


May isang lalake nagmamaneho ng sasakyan (kilala ko po at minsan nakakausap ko po sa totoo buhay, at umamin po ito na may gusto sa akin noon pero ni reject ko po kasi may asawat anak n po siya ang naging makulit po siya nong nakaraan/ personal driver po ng BIL ko) habang ako ay nakaupo sa likod nakasubsob ang ulo sa may window glass ng sasakyan at nakapikit habang nag mamaheho po siya, bigla niya daw ako dinala sa isang motel at bigla kami hubot hubat kahit malinaw…


Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page