Iba’t ibang kahulugan ng mga alahas
- BULGAR
- Oct 16, 2022
- 2 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 16, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Imelda ng Cavite City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na binigyan ako ng iba’t ibang alahas ng dyowa ko, may singsing, kuwintas, hikaw at relo. Nang bilangin ko, dalawa ‘yung kuwintas, tapos ‘yung relo ay dalawa rin. ‘Yung hikaw ay isang pares at ‘yung singsing ay dalawa at parang wedding ring.
Inabutan niya rin ako ng maraming susi at sinabing itago ko sa iba’t ibang drawer ang mga alahas. Isusi ko raw nang mabuti ang drawer na paglalagyan ko para hindi mabuksan ng magnanakaw.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Imelda
Sa iyo, Imelda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na binigyan ka ng maraming alahas ng dyowa mo ay mahal na mahal ka niya at balak ka niyang pakasalan sa lalong madaling panahon.
Ang binilang mo kung ilan ang mga alahas ay nagpapahiwatig na binibilang mo na ang magagandang bagay na maaari mong makamit sa darating na mga araw.
Gayunman, ang dalawang kuwintas, relo at singsing ay nangangahulugan ng pabago-bagong isip. Madali kang magpalit ng desisyon, pero huwag mo nang baguhin kung ano ang una mong pasya dahil guided ka ng holy spirit dito. Kung babaguhin mo, mauuwi sa hindi maganda ang mga balak mo.
Ang isang pares ng hikaw ay nangangahulugan ng pag-iisa sa panahon ng kagipitan. Matatagpuan mo ang iyong sarili na kahit matulungin ka sa ibang tao, ‘pag ikaw ang nangailangan ng tulong ay walang sumasaklolo sa iyo.
Samantala, ang mga susi naman na ibinigay ng dyowa mo at sinabing itago mo sa iba’t ibang drawer ang mga alahas upang hindi manakaw ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa negosyo.
Kikita ka ng malaki sa negosyong binabalak mong buksan at hindi magtatagal, ikaw ay yayaman.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments