top of page

Iba’t ibang kahulugan ng eroplano

  • BULGAR
  • Jul 29, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 29, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lauro ng Tondo.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng airplane.


Napanaginipan ko kagabi na may eroplano na napakababa ng lipad at halos malapit na ito sa bubong ng bahay namin.


Noong isang gabi naman, napanaginipan ko na nakasakay ako sa eroplano, tapos tanaw na tanaw ko ang kalangitan na makulimlim at parang may paparating na bagyo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lauro



Sa iyo, Lauro,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may natanaw kang eroplano na napakababa ng lipad at halos malapit na sa bubong ng bahay n’yo ay mabilisang pagbabago sa buhay. Malaking pagbabago ang mararanasan mo sa kasalukuyan mong pamumuhay.


Gayunman, ang nakasakay ka sa eroplano ay nagpapahiwatig na dapat mong ipatupad ang ibayong pag-iingat sa mga pinaplano mo. Huwag kang magpadalos-dalos sa pagpapasya, lalo na sa pakikipagtransaksiyon. Huwag ka ring sunggab nang sunggab sa mga inaalok sa iyong proyekto.


Samantala, ang ibig sabihin ng tanaw na tanaw mo ang kalangitan habang nakasakay ka sa eroplano, makulimlim at parang may paparating na bagyo ay babala na mag-ingat ka sa mga sagabal na kakaharapin mo. May mararanasan kang mga problema sa binabalak mong gawin dahil hindi ito ganu’n kadali gaya ng iniisip mo. Bagkus, posibleng maudlot o hindi agad maisakatuparan ang minimithi mong tagumpay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page