top of page

Iba’t ibang kahulugan ng bukid

  • BULGAR
  • Apr 20, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 20, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolando ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang bukid namin. Kagabi ay napanaginipan ko na naglalakad ako sa bukid namin, tapos masayang-masaya ako dahil ang gandang tingnan ng tanim naming palay. Berdeng-berde ang mga dahon at malalago ang mga tangkay nito.


Noong isang gabi naman, napanaginipan ko na inaararo ang bukid namin para taniman ng ibang pananim. Umikot-ikot ako sa paligid at naglakad kahit bagong araro pa ito.


Kahapon naman, napanaginipan ko na nakahiga ako at namamahinga sa tabi ng bukid namin at ang sarap ng pakiramdam ko.


Bakit palaging bukid ang napapanaginipan ko, ano ang ibig sabihin ng mga ito?


Naghihintay,

Rolando


Sa iyo, Rolando,


Ang panaginip mo na naglalakad ka sa bukid n’yo, nasiyahan ka at masayang-masaya dahil berdeng-berde ang mga dahon at malago ang mga tangkay, ito ay nagpapahiwatig na lahat ng hiling mo ay magkakaroon ng katuparan. Magkakatotoo ang anumang minimithi mo.


Gayunman, ang mga berdeng dahon ay kasaganaan sa pananalapi ang kahulugan, kumbaga, makakaahon ka na sa hirap at may posibilidad na yumaman ka na.


Samantala, ang ibig sabihin ng inaararo ang bukid n’yo, naglakad ka, nagpaikot-ikot sa paligid kahit ito ay bagong araro, nangangahulugan ito na hindi magiging madali ang pagkamit mo ng tagumpay dahil dadaan ka muna sa mga pagsubok at pakikibaka sa buhay.


Tungkol naman sa nakahiga ka at namamahinga sa tabi ng inyong bukid at masarap ang pakiramdam mo, magkakaroon ka ng mga bagong kakilala na magdudulot sa iyo ng saya. New hope, new dreams and new friends to share.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page