Iba’t ibang kahulugan ng beads at basket
- BULGAR
- Oct 3, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 03, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jenny ng Masbate.
Dear Maestra,
Nawa’y palagi kayong nasa mabuting kalagayan. Isa ako sa tagasubaybay ng column n’yo.
Palagi kong napapanaginipan ang tungkol sa beads, at madalas ay basket. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Jenny
Sa iyo, Jenny,
Ang ibig sabihin ng palagi kang nananaginip ng beads ay depende sa sitwasyon. Kung sa panaginip mo ay pinagdudugtung-dugtong mo ‘yung beads para makabuo ka nang bagay na gusto mo, ito ay tanda na ‘di magiging madali ang mga gawain mo sa susunod na mga araw. Makakaranas ka muna ng hirap bago mo makamit ang iyong minimithi.
Kung sa panaginip mo, isinuot mo ‘yung beads na ginawa mo, ngunit naputol, ito ay sign na magkakahiwalay kayo ng karelasyon mo. Posibleng mag-away kayo at tuluyan nang maghiwalay.
Samantala, kung ikaw naman ay nagrorosaryo gamit ang rosary beads, maganda ang ipinahihiwatig nito, magiging payapa at panatag ang buhay mo. Matatapos na ang mga problema mo.
Ang basket naman ay depende ang kahulugan kung may laman ito o wala. Kung marami itong laman, nagpapahiwatig ito na malalagpasan mo ang mga pagsubok sa buhay.
Ngunit, kung ito ay walang laman, ito ay babala ng kabiguan sa buhay, mabibigo ka sa iyong mga pinapangarap.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments