Iba’t ibang kahulugan ng ahas sa Panaginip
- BULGAR
- Feb 5, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 05, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Josie ng Nueva Ecija.
Dear Maestra,
Kumusta kayo r’yan? Nawa’y nasa maayos kayong kalagayan.
Ano ang ibig sabihin kapag madalas managinip ng ahas?
Naghihintay,
Josie
Sa iyo, Josie,
Ang ahas ay nagpapahiwatig ng mga kaaway mo na gustong maghiganti sa iyo kung saan gagawin nila ang lahat upang pabagsakin ka.
Kung may karelasyon ka ngayon, ito ay nangangahulugan ng karibal sa kanyang atensiyon at pagmamahal sa iyo. May kahati ka sa pagmamahal niya.
Samantala, kung sa panaginip mo ay napatay mo ang ahas, ito ay nagpapahiwatig na nagwagi ka laban sa iyong mga kaaway at karibal. Hindi sila nagtagumpay sa masama nilang binabalak laban sa iyo. Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan, ikaw ang nagwagi sa puso ng mahal mo.
Itinigil na niya ang pakikipagmabutihan sa ibang babae at iniwasan na niya nang tuluyan ang karibal mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments