I-BULGAR: Ang winning secrets ng mga atleta!
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 9, 2020

Matagal nang iniisip ng mga siyentipiko kung bakit ang ilang extreme athletes ay gayun na lang kalakas kung magwagi habang kahit anong sikap naman ng iba ay hindi nangyayari at ang nakasosorpresa ay napakaliit lang pala ng kailangang gawin upang malaman kung sino ang pinakamalakas at pinakamatindi ang pagsasanay.
Heto ang natutunan ng mga mananaliksik tungkol sa tagumpay at kung paano nagagamit ng isang atleta ang kanyang winning secrets:
1. NAKIKITA NIYA AGAD ANG SARILI NA NANANALO. May vision ang atleta na nakikita ang sarili na nagtatagumpay at ito ang nakatutulong upang maganap ito sa tunay na pangyayari. Bilang patunay, isang grupo ng basketball players ang sinabihan na ihinto ang pagsasanay at imadyinin na lang ang sarili na napakahusay nilang maglaro maging sa walang mintis na free throws kumpara sa iba pang grupo na nagpapakamatay sa praktis araw-araw. ‘Ika nga, habang pinapraktis ang aksiyon sa isipan (maging ito man ay ehersisyo o pananalita), senyales ito sa utak na iaktibo ang parehong muscle fiber at neurons na kailangan para gawin ang naturang trabaho at magawa at parehong benepisyo, paliwanag ng siyentipiko sa Cleveland Clinic Foundation sa Ohio.
PARA MAKUHA ANG WINNING EDGE: Maupo nang komportable ng hanggang 15 minuto araw-araw sa isang tahimik na lugar na malayo sa pagri-ring ng cellphone o telepono, nagtitiktak na relos, nagsasalitang mga tao at maliliwanag na ilaw. Ipikit ang mga mata, dahan-dahang huminga nang malalim at ilarawan ang sarili na naabot na ang naturang layunin. “Huwag itong basta na lang tingnan, imadyinin na totoo itong nangyayari,” payo ni four time Olympian luger Ruben Gonzales ng Olympic-Motivation.com. “Langhapin ang hangin, dinggin ang tunog, ihantad ang sarili sa kapaligiran. Panghuli, kapag nasa tunay ka nang sitwasyon, dama mo na kumpletong handa ka na at may kumpiyansa na mangyayari ito.”
2. MATULOG NANG SAPAT NA ORAS O MAS MAAGA. Natuklasan ng New Stanford University researcher na ang mga atleta na natutulog ng 10 oras kada gabi nang tuloy-tuloy ay higit na malakas, nakapokus, masigla at mas mahusay sa kanilang laro kaysa sa mga kulang sa tulog na atleta. Ang mga competitive swimmer ay walang kahirap-hirap na mauuna pa sa dati nilang oras, habang ang mga basketball player ay umiiskor ng mas maraming freethrows, at ang mga tennis player ay umiibayo ang kanilang pagpalo.
PARA MAKUHA ANG WINNING EDGE: Matulog nang maaga kahit isa o dalawang beses sa isang linggo upang mabawasan ang iyong kakulangan sa tulog at pag-ibayuhin ang stamina at pagkaalerto ng isipan.
3. PUNUIN ANG CORNER NG LARAWAN NG FANS, MGA TROPEO AT MEDALYA. May rason kung bakit minamahal ng isang team ang kanilang fans. Habang may nagtsi-cheer sa inyong grupo ay napatunayan ito na awtomatikong umiibayo ang inyong performance, ayon sa report ng journal o Social and Clinical Psychology. Motibasyon din ang mga naka-displey na tropeo at mga medalya sa isipan at puso. Kaya hindi kataka-taka na ang isang sports team ay nagwawagi ng anim sa 10 games sa kanilang balwarte kahit mas magaling pa sa kanila ang kalabang team. “Ang mga cheer at pampalakas ng loob na sigawan ang nagpapagaan sa iyong kumpiyansa,” ani Gonzales, “na maaring pinakamahalagang aspeto ng iyong tagumpay.”
PARA MAGKAROON NG WINNING EDGE. “Simpleng paligiran ang sarili ng mga positibo, masayahing tao na humihikayat sa iyo,” ani Gonzales. Ang mga “cheerleader” na ito ang magpapaangat sa iyo at matutulungan ka na magtagumpay sa anumang bagay.
TIP: Uminom ng B-complex vitamin. Napatunayan sa pag-aaral na nagpapaibayo ito sa mood, lakas at maging ng stamina at athletic performance.
4. MAGSUOT NG KULAY PULA. Kung mapapansin, karaniwan sa mga naglalabang Olympic athlete at iyong mga nagsusuot ng pula ay madalas na nagwawagi kaysa sa mga naka-blue-clad opponent, ayon sa rebelasyon ng British study. Higit pa roon, ang mga taong nagsusuot ng pula habang nage-ehersisyo ay napatunayan na mas matagal ang enerhiya at mas matikas sa lahat. “Ang stimulation color, ‘ika nga ng pula ay nagpapaangat sa enerhiya dahilan para lumabas ang higit pang adrenaline,” paliwanag ni Leslie Harrington ng color-consulting and research firm LH color.
PARA MAKUHA ANG WINNING EDGE: Maging ito man ay buong kasuotan o isang accent lang sa katawan, magkaroon ng kulay pula sa katawan ay mainam para sa isang extra shot at energy maging ng lumalabas na determinasyon.





Comments