top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Huwag magpaloko sa mga ibinebenta online

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | Feb. 4, 2025



Editorial

Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa isang pekeng Facebook page na maling nag-eendorso ng isang “nutritional milk” na umano’y lunas sa insomnia.


Ayon sa DOH, walang katotohanan ang nasabing pahayag, at hindi ito inaprubahan o kinikilala ng ahensya. 


Kasabay ang pagpapaalala na ang insomnia ay may iba’t ibang sanhi at walang instant na lunas. Bagama’t nakakatulong ang malusog na pamumuhay, mas epektibo umano ang tamang paggamot gaya ng sleep hygiene, therapy, at medikal na gabay.


Binalaan din ng DOH ang publiko laban sa mapanlinlang na marketing na gumagamit

ng pekeng testimonial, huwad na pahayag ng umano’y eksperto at exaggerated na health claims.


Inireklamo na ng ahensya ang naturang page sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa agarang pagtanggal ng nasabing page.


Kaya sa mga netizens, maging maingat sa mga nababasa o napapanood online. Huwag magpabiktima. Sundan lamang ang mga legit o opisyal na social media accounts para sa tamang impormasyong pangkalusugan.


Hamon naman sa mga otoridad, mas palakasin ang kampanya laban sa mga manloloko at abusado na nagkalat online.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page