top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Huwag magpabiktima sa fake news

  • BULGAR
  • Jul 30, 2021
  • 1 min read

@Editorial | July 30, 2021


Bago naideklara ang magiging quarantine classifications sa bansa, may una nang kumalat na post online na nakasaad ang circuit breaker o lockdown sa iba’t ibang lugar.

Marami ang nakabasa at na-share na rin sa mga kakilala na nagdulot ng pangamba.


Paano kung magpapatupad ng lockdown, wala na namang trabaho? Malulugi na naman ang mga negosyo? Saan kukuha ng pagkain? At marami pang tanong at alalahanin na naglabasan.


Pero, ang una sana nating tanong, “Totoo ba ‘tong post na ‘to?”


Maraming paraan para makasigurong hindi fake news ang nababasa, lalo na sa social media.


Unang-una, tingnan kung saan lumabas ang balita o mensahe. Kilalanin ang mga lehitimong page o account ng opisyal o ahensiya ng gobyerno at ganundin ang mga tagapaghatid ng balita.


Nariyan din ang diyaryo, radyo at TV para mabasa, marinig o mapanood mismo ang balita, direktang matutukoy ang pinanggalingan ng mensahe.


Huwag magpabiktima sa mga walang magawa sa buhay.


May iba naman na tila gusto lang magpabida. Tipong ‘pag may nabasa ay gusto i-post o share agad, dedma na kung totoo o hindi.


Huwag nating hayaang magamit para makapambiktima ng iba.


Sa panahon ngayon na nagkalat ang fake news, kailangan nating mag-ingat nang sobra. Para itong virus na nakahahawa at delikado.


Hamon naman sa gobyerno, hulihin ang mga nasa likod nito at panagutin. Maling nakikigulo sila sa dami ng hinaharap na kalbaryo ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page