top of page
Search
  • BULGAR

Huwag mag-panic, ‘wag ding magpakampante sa COVID-19

@Editorial | January 16, 2022



Patuloy umanong bumababa ang daily growth rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa independent analytics group na OCTA Research.


Kung magpapatuloy ito, asahan umanong nasa pagitan ng 15,000 hanggang 16,000 na lamang ang maitatalang bagong kaso sa NCR kada araw, hanggang sa unti-unting mabawasan.


Kaugnay nito, patuloy ang paalala sa publiko na palagi pa ring mag-ingat at alagaan ang sarili at pamilya.


Wala ring dahilan para mag-panic sa halip, kailangang manatiling nakaantabay at sundin ang mga ipinatutupad na panuntunan laban pa rin sa COVID-19.


Huwag maging sobrang kampante, disiplina at kooperasyon ang kailangan sa gitna ng anumang krisis.


Hindi dapat natin isinusugal ang kaligtasan ng sarili, gayundin ng mga kapwa.


Ang pangangalaga sa kalusugan ay responsibilidad ng bawat isa at hindi lamang ng gobyerno.


Kung may nararamdaman tayo, mas mabuting iwasan na ang paglabas ng bahay para wala nang mahawaan pang iba.


Magtiwala lang tayo na malalampasan din natin ang pandemya at ngayong taon ay panahon para tuluyang lumaya at muling makabawi sa lahat ng nawala.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page