top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Huwag hintaying mabulaga ng mas mataas pang kaso ng COVID-19

BULGAR
Jun 14, 2022
1 min read

@Editorial | June 14, 2022


Biglang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ayon sa Department of Health (DOH), naitala kamakalawa, Hunyo 12, ang 308 na bagong nahawahan ng COVID. Ito umano ang pinakamataas na kaso ng sakit sa loob ng dalawang buwan.


Nasa 2,918 naman ang panibagong aktibong kaso ng sakit sa bansa. Ayon sa DOH, 153 sa 308 ay naitala sa Metro Manila.


Kaugnay nito, umabot na sa 3,693,222 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Nakapagtala naman ng 60,461 na nasawi sa sakit habang nasa 3,629,843 ang kabuuang gumaling.


Samantala, sinabi naman ng DOH na ang pagtaas ng COVID cases ay hindi maikokonsiderang “significant” sa ngayon. Nilinaw na hindi naman tumaas ang severe at critical cases.


Dagdag ng DOH, isa sa mga factors na naka-contribute sa pagtaas ng infections ay ang presensiya ng mas nakahahawang Omicron subvariant at ang bumababang immunity, dahil marami pang hindi naturukan ng booster shots.


Gayunman, huwag nating hintaying mabulaga ng mas mataas pang bagong kaso ng COVID-19. Dapat kabisado na natin ang mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa sakit. Hinay-hinay sa paggala at pagpunta sa matataong lugar. Batid natin na talagang malaya na tayo, maluwag na ang mga protocols pero huwag magpabaya.


Hindi pa tapos ang laban sa pandemic, halos nag-uumpisa pa lang tayong makabawi, huwag nating sayangin ang pagkakataon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page