top of page

Hurt na raw, Rhian… SAM, APEKTADO SA MGA BANAT SA KANYA SA PULITIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2024
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | Oct. 21, 2024



Photo: Sam Verzosa / Instagram


Sa kabila ng kanilang abalang iskedyul, ‘relationship goals’ nga ang TV host at Tutok-to-Win Partylist representative na si Sam Verzosa at ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos na ginagawa ang lahat ng makakaya upang makahanap ng oras na maghanda para sa kanilang marathon sa New York, USA sa Nobyembre 4.


“Minsan sumasama s’ya sa mga charity works at medical mission. ‘Di nawawala ‘yan. Training ko na rin ‘tong ikot ko, nag-e-enjoy ako sa mga lolo’t lola, hinahalikan ako. Nakakatulong sa preparation ‘yung ikot namin. May lakas ako,” sey niya.


Habang lumalakass physically, inamin ng negosyante na napapagod na siya sa mga pambabatikos mula sa mga diumano’y tagasuporta at trolls ng kanyang mga katunggali sa pagka-alkalde ng Maynila.


“Nandito lang ako para magbigay ng tulong. Pero ‘di ko alam bakit ako ang binubugbog sa social media. Lagi nilang binabayaran ang trolls para siraan ako, kaya ako nandito at nanggigigil— masakit. Below the belt minsan, nasasaktan ako, eh. Ayoko sabayan pero tao lang ako. Pepersonalin mo ako, ililihis mo sa ‘kin, dapat ikaw ang nag-e-explain. Kahit aso, kapag sinapok mo, iiyak at kakagat. ‘Yan ang sinasabi ko,” dagdag niya.


Gayunpaman, sinabi ni Verzosa na ipagpapatuloy niya ang pag-iikot kasama ang kanyang mga mobile clinics, mobile boutiques, atbp..


“Na-bless na ako nang sobra-sobra. Galing lahat sa sarili nating bulsa. Gusto kong ipakita, kung kaya kong gawin, what more pa kung City Hall?” kuwento niya. 

“Sasamahan ko ang mga Manilenyo hanggang dulo,” mariing sabi ni Sam Verzosa.


Sa edad 68, naka-graduate pa… CHARO, PROUD NA PHIL. AIR FORCE RESERVIST NA


Charo Santos-Concio - Instagram

AGE is just a number nga para sa veteran actress na si Charo Santos-Concio dahil at 68, proud reservist na siya ng Philippine Air Force (PAF).


Sa kanyang Instagram (IG), ibinahagi ng aktres noong Sabado ang ilang mga larawan ng kanyang seremonya ng pagtatapos habang suot ang kanyang uniporme ng militar, kung saan natanggap niya ang kanyang sertipiko ng pagtatapos kasama ang iba pang mga graduates na reservists.


“Ako po si Charo, isa nang ganap na Philippine Air Force (PAF) Reservist!” sey niya sa post. 

“It’s never too late to start something new, to challenge yourself, and to keep on growing. Today marks my graduation from the PAF Reservist training—a journey that was as rewarding as it was challenging. There were moments when I doubted myself, wondering if I could meet the demands, but I embraced every challenge, pushed forward, and found joy in each step of the process,” paliwanag niya.


“Through this experience, I have discovered a deeper sense of purpose and a renewed love for our country. Spending these past few weeks alongside my fellow reservists has been an honor, and I hope my story encourages you to pursue your passions, face your fears, and keep moving forward. No matter where you are in life, know that growth is always possible,” dagdag niya. 


Pinasalamatan din niya ang mga tumulong sa kanya para maabot ang pangarap na maging reservist.


“Special thanks to 1st ARCEN and Col. Florante Baterina for your leadership and guidance throughout this journey. Maraming salamat sa inyong suporta at tiwala,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page