Hurricane Hanna, matinding babayo sa South Texas
- BULGAR

- Jul 26, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 26, 2020

Unang hurricane na darating sa 2020 Atlantic season, tinatawag na Hanna, ang papalapit na sa South Texas coast, ayon sa U.S. National Hurricane Center.
Namataan ang Hanna, sa layong 70 miles (115 kilometers) South East ng Corpus Christi sa Texas, na may patuloy na pagbayo ng malalakas na hanging 80 miles per hour, mula sa report ng NHC.
Gayundin, inaasahan na magbubuhos ng matitinding pag-ulan sa mga bahagi ng Southern Texas at Northeastern Mexico, pahayag ng NHC, na ayon pa sa ahensiya, posibleng magresulta ang pag-ulan ng “life-threatening floods.”
Nag-abiso na rin ang ahensiya sa publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat nang husto sa maaaring mangyari sa kanilang lugar.





Comments