Human trafficking, talamak dahil sa mga bigtime fixers sa Immigration?!!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 21, 2023
DAHIL 3M PAMILYANG PINOY WALANG MAKAIN, PAGLAGO NG EKONOMIYA, FAKE NEWS! – Sa survey na isinagawa ng SWS mula Dec. 10-14, 2022 ay lumabas na higit 3 milyong Pinoy ang nakararanas ng gutom dahil walang makain.
Kung ganun, fake news pala ang ibinida ng PSA (Philippine Statistics Authority) noong Nov. 10, 2022 na lumago ng 7.6% ang ekonomiya ng Pilipinas, kasi kung totoong lumago na ang ekonomiya ng bansa, sana ay walang Pinoy na nagugutom sa 'Pinas, period!
◘◘◘
HINDI KATANGGAP-TANGGAP KASUHAN ANG 10 PAL FLIGHT ATTENDANTS, TAPOS MGA AGRI-SMUGGLERS WALANG KASO – Sabi ni Customs spokesman, Operation Chief Arnaldo dela Torre ay hindi na raw nila sasampahan ng kaso ang 10 flight attendants ng Philippine Airlines (PAL) na kinumpiskahan nila ng tig-4 kilong sibuyas mulang Riyadh at Dubai na pampasalubong sana sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Aba'y dapat lang na huwag silang kasuhan kasi hindi talaga katanggap-tanggap sa publiko na dahil lang sa tig-4 kilong sibuyas na pasalubong sa kanilang pamilya ay kakasuhan na ang 10 PAL flight attendants, tapos pagdating sa mga agri-smugglers na sina "Leah Cruz", "Michael Yang", "David Bangayan", "Paul Teves", "Manuel Tan,", "Andrew Chang" at "Jun Diamante| na tone-toneladang sibuyas ang ipinupuslit papasok sa bansa, dedma lang ang mga taga-Customs, pwe!
◘◘◘
BIGTIME FIXERS LABAS-PASOK SA IMMIGRATION – Labas-pasok daw sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga bigtime fixers na sina "Betty" at "Anna".
Kaya naman pala laganap pa rin ang human trafficking sa 'Pinas kasi may mga bigtime fixers na naglalabas-pasok sa BI, boom!
◘◘◘
PAGBAWI NG MGA TESTIMONYA VS. DE LIMA PATUNAY NA BAD ANG DUTERTE ADMINISTRATION – Umamin na rin si dating PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) Board Member Sandra Cam na ginamit lang siya ng nakaraang Duterte administration para idiin sa kasong may kinalaman sa kalakaran ng droga sa bansa si dating Sen. Leila de Lima.
Bukod kay Cam, nauna nang umamin si dating BuCor (Bureau of Corrections) Director Rafael Ragos at mga preso sa Bilibid na ginamit din sila ng Duterte administration para idiin sa drug case si De Lima.
Ang mga statement nilang 'yan ang pagpapatunay kung gaano ka-bad ang Duterte administration kasi ginamit nito ang kapangyarihan para isangkot sa droga at ipakulong ang numero unong kritiko sa bloody drug war ni ex-P-Duterte, period!





Comments