top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hubad palit pera sa dyowang foreigner, takot mabuking ng anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2022
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | January 03, 2022,



Dear Sister Isabel,


Isa ako sa sumusubaybay ng inyong kolum dahil maganda ang mga payo ninyo at palagi n’yong binabanggit ang kahalagahan ng pagdarasal kaya hangang-hanga ako sa inyo.


Damang-dama ko ang pagiging relihiyosa n’yo kaya tiwala ako na kayo lamang ang makapagbibigay sa akin ng payo sa problemang kinakaharap ko.


Tungkol ito sa lihim kong karelasyon sa ibang bansa, foreigner siya habang biyuda ako at nahihirapang itaguyod nang mag-isa ang apat na anak ko. Ang problema ko ay hindi alam ng mga anak ko na halos ay ibuyangyang ko na ang buong katawan ko sa karelasyon ko kapalit ng pera. Daig ko pa ang hostess o babaeng mababa ang lipad.


Minsan ay nagi-guilty ako sa aking ginagawa dahil parang wala na akong respeto sa aking sarili.


Tulad ng sinabi ko, lahat ay ipinakita ko na sa BF kong foreigner kahit hindi ko pa siya lubusang kilala kapalit ng malaking halaga, mali ba ang ginagawa ko? Sa halip na magtrabaho ako nang marangal na hindi na kailangang ilabas ang buong katawan sa lalaking hindi ko pa nakikita sa personal ay ginagawa ko para sa pera?


Ang kinatatakutan ko ay baka matuklasan ng anak kong panganay na teenager ang lihim kong ito. Sana ay mapayuhan n’yo ako kung dapat ko pang ituloy ang aking ginagawa para lamang kumita ng pera. Maghihintay ako sa inyong kasagutan.



Nagpapasalamat,


Maila ng Quiapo


Sa iyo, Maila,


Ang sabi mo ay karelasyon mo ang foreigner sa iyong liham. Natural lamang sa magkasintahan ang ginagawa mo, pero huwag lang sosobra, lalo pa’t nagmamahalan naman kayo. Sa nakikita ko, walang masama sa ginagawa mo basta’t may halong pagmamahal at hindi dahil lamang dahil sa pera. Tanungin mo ang iyong sarili, mahal mo ba ang karelasyon mong ito at mahal ka rin ba niya? Kung ‘oo’ ang sagot, walang masama kung ituloy mo ang pakikipagrelasyon sa kanya.


Tama lamang padalan ka niya ng pera bilang tulong sa pagpapalaki at pagpapaaral mo sa iyong mga anak. Kausapin mo rin siya nang masinsinan at itanong kung may balak ba siyang pakasalan ka. Kung tapat naman siya sa iyo at totohanan ang ginagawa niyang pagbibigay ng pera para sa mga anak mo, walang dahilan para makonsensiya ka sa ginagawa mo.


Sa palagay ko ay mauunawaan naman ng anak mo na may boyfriend kang foreigner at magpapakasal kayo sa takdang panahon. Nasa iyo pagpapasya, kung malinis ang konsensiya mo at hindi lamang pera ang hangad mo sa karelasyon mo ngayon, ituloy mo ang pakikipagrelasyon sa kanya. Good luck!



Sumasaiyo,


Sister Isabel Del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page