top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

“House visit” sa mga mamamahayag, safe ba talaga?

  • BULGAR
  • Oct 19, 2022
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 19, 2022


Nagdulot ng pangamba at pagkaalarma ang isinagawang biglaang pagbisita ng ilang pulis sa ilang miyembro ng media.


Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. ang insidente. Bukod sa imbestigasyon, pananagutin din umano ang mga pulis na responsable sa pagpapatupad nito.


Ipinatigil na rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Brigadier General Jonnel Estomo ang house visit at kasabay ng imbestigasyon, maglalabas ng panuntunan o sistema ang PNP kaugnay dito, lalo pa’t wala umanong direktang utos mula sa PNP headquarters at NCRPO kung paano makakausap ang bawat mamamahayag na may banta sa kanilang buhay.


Sa ngayon, malinaw umanong koordinasyon lamang ang isinasagawa ng bawat police district sa mga mamamahayag at pagtatanong kung nakakatanggap sila ng pagbabanta.

Binigyang-diin na isa sa kanilang lilinawin ay kung saan at paano nakuha ang address ng mamamahayag.


Gayunman, nilinaw din na layon ng house visit na makakuha ng impormasyon sa posibleng banta sa ilang miyembro ng media.


Nauunawaan natin ang layunin ng pagbisita na matiyak ang kaligtasan ng ating mamamahayag, pero bago ang lahat, sana’y may maayos na proseso. Isa pa, hindi ito dapat magdulot ng takot sa mga nagtatrabaho sa media.


Ngayong nakita na ang mga pagkakamali at dapat pagtuunan ng pansin, umaasa tayong hindi na mauulit ang insidente.


Marahil, marami pang dapat baguhin at pag-aralan, kaya pakiusap sa mga kinauukulan, magpokus tayo rito dahil hindi dapat mabahiran ng takot ang magandang layunin n’yo.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page