top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

House-to-house testing, malaking tulong kontra-COVID-19

BULGAR
Apr 25, 2021
1 min read

@Editorial | April 25, 2021


Sa kabila ng patuloy na panawagan na ‘mass testing’ kontra-COVID-19, ang inihirit naman ng Department of Health (DOH) ay ‘expanded testing’.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat ding gawin ang house-to-house testing. Kung saan, tanging ang may mga sintomas o mga nalantad sa COVID-19 positive ang dapat na unahin.


Sa pamamagitan nito, mabilis na masusuri at maihihiwalay ang mga posibleng carrier ng virus.

Bagama’t nababawasan ang mga nagpopositibo sa COVID-19, masasabing mataas pa rin ang bilang at talagang kumakalat pa rin ang nakamamatay na sakit.


Kaya itong house-to-house testing ay malaki ang maitutulong para mapigilan ang hawaan.


Karamihan sa ating mga kababayan ang nagkakaroon ng sintomas subalit, hindi na nakakapagpa-test. Ilan sa kanilang dahilan ay nangangamba sa bayarin, natatakot na baka ‘pag nagpositibo ay maospital pa o madala sa hindi maayos na quarantine facility. At dahil dito, malaki ang posibilidad na kung positibo nga sa COVID-19 ay mahahawa ang ibang kasama sa bahay. Mas delikado pa kung may kaanak na senior, beybi o maysakit.


Bukod sa mapipigilan ang hawaan, sa pamamagitan ng testing na makakarating sa kinauukulan ang resulta, ay mabibigyan ng wastong medikasyon ang pasyente. Sakaling pahintulutang sa bahay na lamang mag-quarantine, mas mainam na may doktor o nurse na naka-monitor sa pamamagitan ng telepono o online.


Sana maging maayos ang pagpapatupad nitong house-to-house testing. Kumbaga, bago pa lumala o kumalat ang virus, agapan na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page