top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 6, 2020 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 6, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 6, 2020 (Martes): Kahit paulit-ulit kang nagkakamali, paulit-ulit ding pinagaganda ng langit ang buhay mo. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumili ka. Ang payo na dapat mong piliin ay kung ano ang maganda sa tingin. Ang isa pang payo, huwag mong pansinin ang nagsasabing hindi dapat piliin ang maganda sa paningin. Masuwerteng kulay-green.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Masuwerte ka ngayon at sa ilang araw pang darating, susuwertehin din ang mga hindi sasalungat sa iyong mga kagustuhan at ang hindi suwerte ay ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow.


GEMINI (May 21-June 20) - Maraming mga mata ang nakatutok sa iyo. Inaasahan nilang hindi ka mabibigo sa iyong mga layunin, gayundin, inihahanda na nila ang kanilang makakaya para ikaw ay palakpakan. Masuwerteng kulay-purple.


CANCER (June 21-July 22) - Biglang lumakas ang iyong karisma, kaya lalong nalito nagkakagusto sa iyo. Gayunman, hawak mo ang mangyayari sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pigilan ang iyong sarili na magsaya dahil ang araw na ito ay para sa pagsasaya. Ang ilang aktibidad ay huwag mo munang ituloy. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit mabawasan ang iyong kaban-yaman, huwag kang mag-alala dahil ang mga halaman, kapag tinalbusan ay mas lalago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Salubungin mo ang takdang panahong ito ng iyong pagsasaya. Pasayahin mo ang iyong mga kaibigan at kakilala. Masuwerteng kulay-black.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinahahanga mo ang langit dahil sa iyong pagsasakrpisyo. Inihahanda na ang magagandang kapalaran na ipinagkakaloob lang sa mga tulad mong nagsasakripisyo para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-violet.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpasalamat ka sa mga inspirasyon mo sa buhay. Kung wala sila, maaaring hindi mo maabot ang kinalalagyan mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong hanapin sa malayo ang iyong mga suwerte, gayundin ang iyong ligaya. Ibig sabihin, nasa tabi mo lang ang iyong mga tunay na suwerte. Masuwerteng kulay-red.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pinipintasan ka dahil paiba-iba ka ng isip o pasya. Ang hindi nila alam, kaya ka binubuwenas ay dahil sa pagbabago mo ng kursunada. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung naiisip mong mamasyal, mamasyal ka. Ang totoo, kailangan mong mamasyal o pumunta muna sa ibang lugar. Ito ang kondisyon para magbalik ang mga suwerte mo sa buhay.Masuwerteng kulay-white.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page