top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Oktubre 28, 2020 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 28, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2020 (Miyerkules): Mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwan dahil sinusuwerte ka kahit hindi ka nagsisikap. Gayunman, mas maganda pa ring magpursigi ka na umasenso.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang papatangay sa panandaliang saya dahil magsasayang ka lang ng oras. Ituloy mo ang pagtutok sa kabuyahan dahil maganda ang panahon para sa iyo sa pagpapalago nito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-27-29-30-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang paggiliw sa iyo ng isang tao na may kakayahang ibigay ang iyong mga kapritsuhan. Huwag kang hihiling ng malalaki nang hindi ka mapasubo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-28-33-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Dobleng suwerte ang mapasasaiyo. Kunsabagay, madalas din namang magkasabay-sabay ang dating sa iyo ng magagandang kapalaran tulad ngayon dahil kambal-kambal ang mga ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-20-27-28-38-39.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit wala kang gawin, ang ilang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo. Ang totoo nga, kahit tamarin ka at matulog maghapon ay tuluy-tuloy na mapasasaiyo ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-25-26-38-42-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at sa ilang mga araw pang darating, suwerte rin ang hindi kumokontra sa iyo na kukunsintihin at papaboran ka kahit hindi naman gaanong kagandahan ang mga ikikilos mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-8-12-26-30-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa masaya at susuwertehin ka. Magbalik-tanaw ka sa nakaraan at matutuklasan mong totoo pala na may mga suwerteng dala sa iyo ang masayahin at palakuwento. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-22-25-34-41-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyan mo ng oras at panahon ang taong nagtatampo sa iyo. Mas mahalaga siya kaysa sa mga bago at hindi mo pa gaanong kakilalang mga kaibigan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-33-38-39-40-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa aral ng buhay na itinuro sa iyo ng iyong mga magulang. Ililigtas ka ng mga ito, hindi lang sa mga panganib kundi sa kahirapan ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-29-30-35-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magturo ka sa gustong matuto. Para sa mga ayaw madagdagan ang kaalaman, huwag mo silang pilitin. Sa huli, kusa silang lalapit at makikiusap sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-22-25-36-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka at tatanggap ka ng mas malaki at marami kesa sa ibinigay mo. Ito ang makabagong utos para sa panahon ngayon na kapalit ng pagbibigay ang pagtanggap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-24-31-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang lungkot at malalaman mo na lungkot ang dahilan kaya hindi nagtutuluy-tuloy ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-21-24-35-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka magsisisi sa pagpapasaya mo sa mga kaibigan at kakilala mo. Ito ay mapapalitan ng malalaki at magandang kapalaran na hindi mo inaasahang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-20-25-37-42.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page