top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 26, 2020 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 26, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 26, 2020 (Lunes): Itutok mo ang sarili mo sa pagpapayaman at tiyak na yayaman ka. Marami ang nabigo kahit tutok na tutok sila sa pagpapayaman, pero ikaw ay magtatagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang loob mo at ipakikita sa iyo ng langit ang mga premyo sa mga tulad mong hindi nasisira ang loob. Gawin mo ito at tiyak na ang iyong kaligayahan ay labis-labis. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaiba at nakatutuwa kung ano ang iyong pinakaepektibong pampabuwenas. Ito ang tunog ng mga pinggan na gawa sa pinatigas na lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Dadaan ka ngayon sa isang palaisipan sa buhay mo. Ibig sabihin, isip o talino ang susi para malutas mo ito. Bigyan mo ang iyong sarili ng katahimikan kung saan nag-iisa ka lang. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Masyado kang magiging emosyunal ngayon. Ayaw mo man at kahit iyong labanan, wala kang magagawa dahil ito ay noon pa nakatakda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakagugulat ang nakasulat sa aklat ng iyong buhay na nagsasabing ang iyong kinaiinisan ay iyo ring lihim na minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Hindi ka dapat mabigla. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alamin mo ang nakatagong dahilan kung bakit hindi nagkakaunawaan ang mga malalapit sa puso mo. Mula sa iyong malalaman, sa pag-aayos sa kanila ay hindi ka na mahihirapan. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magalit o sumama ang iyong loob, mahirap paniwalaan pero kapag galit ka at nakapagsalita ng hindi maganda sa kapwa ay magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumalma ka lang sa harap ng magulong sitwasyon. Kapag kalmado, nakaiisip ng maganda at tama, pero ang hindi kalmado, ang mga kilos at salita ay walang tumatama. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Buksan mo ang pintuan ng pagpaparami ng kaibigan. Gayunman, sa maraming bilang, piliin mo ang higit sa lahat ay may malaking naitulong sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon. Para iyong malaman kung totoo, subukan mong gumawa ng mali, magugulat ka dahil ang magiging resulta ay susuwertehin ka pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mula sa maliit na suwerte na mahahawakan mo, puwedeng-puwede kang yumaman nang todo. Mangyayari ito kapag ang maliit na suwerte ay sininop at pinahalagahan mo. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan, maganda pa ang nag-iisa kaysa may mga kasama. Ngayon mo mapatutunayan ang nasabing kasabihan dahil sobrang maiinis ka kapag ikaw ay may kasama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page