top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 25, 2020 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 25, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2020 (Linggo): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtatagumpay ka sa buhay at hindi lang isang larangan ang iyong mapagtatagumpayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaganda ng takbo ng negosyo. Gayundin, malaki ang kikitain mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dito sa mundo, ang lahat ay nagkokopyahan. Kaya nga hindi masamang mangopya, lalo na kung ito ay paparisan mo ng magagandang pormula na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach.

GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang naglalaro ang iyong isipan sa mga puwede mong gawin na magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Hindi puwedeng manatili kang naglalaro, kailangan mong mamili sa mga ito. Masuwerteng kulay-red.

CANCER (June 21-July 22) - Madali kang mapaniniwala sa mga pagkakakitaan na sa biglang tingin ay mabilis kang yayaman. Ang payo ay nagsasabing huwag kang sumuko, sa halip, sila ay agad mong layuan. Masuwerteng kulay-brown.

LEO (July 23-Aug. 22) - Isip ang iyong sundin at huwag ang iyong damdamin. Hindi basta-basta sumusugod ang isip kaya ang pagkakamali at pagsisisi sa huli ay maiiwasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Intindihin mong mabuti ang mga ipapayo ng iyong malapit na kaibigan dahil siya ang higit na nakakikilala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang mga kaganapan. Akalain mong ikaw ay napaniwala pero ang totoo, mahilig ka lang naman magpasakay kung saan sa dulo ay ikaw ang nakikinabang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namumuo gaya ng bagyo ang iyong suwerte. Hindi pa man aktuwal na dadapo sa iyo, may mga ilang palantandaan na ang buhay mo ay papaganda nang papaganda kaysa sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami kang matututunan sa pakikinig sa mga kuwentuhan kahit sila ay pangkaraniwang nilalang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamasyal ka at mananariwa ang iyong isipan. Sa pananariwa ng iyong isipan, mananariwa rin ang magagandang alaala ng iyong nakaraan na magiging inspirasyon mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag napansin mong napaniwala ka sa maling pananaw, ibalik mo sa dati ang iyong sarili na ikaw ang nagpapaniwala at sila ang naniniwala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa ilang araw na darating. Makipagsaplaran ka nang masabi mong ikaw ay mapalad. Kung wala ka namang gagawin, ikaw pa rin ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-black.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page