Horoscope | Oktubre 23, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 23, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2020 (Biyernes): Magnegosyo ka dahil sa negosyo ka yayaman. Mamasukan ka pero aalis ka rin naman, kaya muli, magnegosyo ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibilis ang kaganapan sa iyong harapan. Ikaw din naman ay makikitang tinatangay ng mabibilis na pangyayari. Huwag kang mabahala, ang lahat ay para sa pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkalat ang mga mandaraya, kaya para hindi ka mabiktima, makipag-ugnayan ka lang sa iyong mga pinagkakatiwalaan at kakilala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
GEMINI (May 21-June 20) - Araw mo ngayon at ang mga susunod na araw ay iyo pa rin. Pasayahin mo ang mga nakakasama mo at ang mga nagpakita sa iyo ng mabuti gamit ang mga suwerteng matatanggap mo. Masuwerteng kulay-violet.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit may mga pinagdaraanan ka, may saya pa ring makikita sa iyo. Ang saya na ito ay magsisilbing hudyat na ang mga suwerte mo ay magdaratingan na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bilang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, kaya mo bang pigilan ang mga kamay mo sa paggastos nang wala sa lugar? Hindi mo kaya, ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa mga may magandang kapalaran at gaganda rin ang kapalaran mo. Kaya bakit ka didikit sa mga problemado? Hahawaan ka nila at darami ang suliranin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-brown.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka ng bahay dahil hindi ka puwedeng manatili nang matagal sa loob ng iyong bahay. Kunsabagay, kahit hindi naman ito ipinayo sa iyo, tiyak din namang maglalakwatsa ka. Masuwerteng kulay-white.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw lang naman ang nagpapalaki ng iyong problema. Hayaan mo lang ang takbo ng mga pangyayari at makikita mong maliit na bagay pala ang nagpapasakit ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-green.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang patatangay sa mga hindi seryoso kung magtrabaho. Masaya sila pero ang kanilang kinabukasan ay maulap at walang katiyakan kung magliliwanag pa. Masuwerteng kulay-yellow.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ang dating sa iyo ng mga biro. Wala namang masama rito dahil ang nagbibiro sa iyo ay seryoso naman sa kanyang damdamin. Ito ang hiwaga ng pagmamahalan. Masuwerteng kulay-purple.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa mga mapagkunawari dahil ang totoo, sila ay may lihim na lungkot sa buhay. Masuwerteng kulay-pink.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maganda kung may kasama ka ngayon sa mga aktibidad mo. Ang pag-iisa ay magdadala sa iyo ng hindi maipaliwanag na lungkot kung saan maaaring humina ang iyong katawan. Masuwerteng kulay-beige.




Comments