Horoscope | Oktubre 11, 2020 (Linggo)
- BULGAR

- Oct 11, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 11, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 11, 2020 (Linggo): Bibilis ang pagyaman mo kapag ang inasikaso mo ay ang sarili mong kapakanan, kaya huwag kang magpapagamit sa kahit na sino.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Laban lang. Bakit mo pipiliin na huwag lumaban? Kapag hindi ka lumaban, talo ka agad. Kapag lumaban ka, mananalo ka at ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong sumama ang loob mo, hindi dahil baka magkasakit ka kundi dahil ngayon ay malakas ang puwersa ng mga salita mo na magkakatotoo laban sa iyong kinagagalitan. Masuwerteng kulay-black.
GEMINI (May 21-June 20) - Tuluy-tuloy lang, huwag mong pansinin ang mga kontrabida. Dapat nasanay ka nang may mga sumasalungat sa iyo dahil mula noon hanggang ngayon, marami na ang inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.
CANCER (June 21-July 22) - Tulungan mo ang malapit sa iyong puso na nangangailangan. Tinutulungan mo nga ang mga taong hindi mo kilala at kaanu-ano, siya pa ba na malapit sa iyo? Masuwerteng kulay-peach.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Kahit mabagal, makukuha mo rin naman ang lahat ng gusto mo sa buhay. Sa pagmamadali, makukuha mo rin naman ang mga ito, kaya lang, maaaring humina ang iyong katawan. Masuwerteng kulay-red.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi natatapos sa biglaan ang malaking bagay. Malalaki at magagandang kapalaran ang inilaan sa iyo. Kaya ito ay hindi biglaan, maghintay ka nang may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-brown.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag maganda ang pakiramdam mo, gawin mo ang gusto mo. Pero kapag may pag-aalala at pangamba ka, hindi inirerekomenda na ituloy mo ang gusto mong mangyari ngayon. Masuwerteng kulay-white.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mo lang ang iyong pagtatanungan. May babala na ang iyong magiging kakumpitensiya ay hahadlang para ikaw ay makapagsimula. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Binigyan ka ng langit ng mas matibay at matatag na personalidad dahil nakitang mukhang humihina at nagiging negatibo ka. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Gawin mo ito. Masuwerteng kulay-yellow.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamahinga ka. Kailangan mo ang pahinga dahil mahaharap ka sa malalaking hamon ng iyong kapalaran na ang nakataya ay malalaking suwerteng magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag tinalo ka ng lungkot, huwag kang mabahala dahil noon pa man at hangang ngayon, panandalian ka lang malulungkot. Ito ang masayang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa susunod na mga araw. Puwede kang makipagsapalaran at puwede ring huwag na. Anuman ang gawin mo, tiyak na susuwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.




Comments