top of page

Horoscope | October 14, 2024 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 14, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 14, 2024 (Lunes): Huwag kang mag-alala kung mabilis ang mga kaganapan sa iyong buhay. Dahil ito mismo ang magpapaganda sa iyong kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Alamin mo muna ang katotohanan bago ka manghusga. Ang mabilis na panghuhusga ay kadalasang nauuwi sa kapahamakan at pagsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sa malaking responsibilidad, dahil malalaking biyaya rin ang mapapasaiyo kakambal ng mga responsibilidad mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manghinayang sa mga bagay na nawala sa iyo, dahil ang kapalit nito ay magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-24-28-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Bantayan mo ang iyong sarili sa paggastos. Hindi na maibabalik ang nakaraan, at ang magagawa mo na lang ay sikaping baguhin ang nakasanayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-25-28-36-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ipunin mo ang mga biyayang dumarating sa iyo. Ito ang dapat mong gawin upang maihanda mo ang iyong sarili sa malaking proyekto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-14-23-33-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabalik-balik lang naman ang mga pangyayari sa buhay ng tao. Ang payo para sa iyo ay muli mong gawin ang dati mo nang nakasanayan upang makakuha ka ng malaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-9-13-17-21-24.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa mga nagsasabing hindi mahalaga ang materyal na bagay. Dinadaya lang nila ang kanilang sarili, huwag na huwag kang tumulad sa kanilang pagkakamali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-20-29-33-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami ang magsasabi sa iyo na tutulungan ka nila, ngunit huwag umasa. Dahil ang totoo, sa buhay ng tao, ang mga pangako ay laging napapako. Samakatuwid, kapag kailangan mo na sila, hindi mo na sila makikita pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-14-21-25-34.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi katwiran na abala ka sa trabaho para ‘di tugunan ang mga pangangailangan nila. Unahin mo ang mga taong pinakamahalaga sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-15-27-35-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung alam mong tama, ipaglaban mo. Lalo pa ngayong ikaw ang nasa panig ng mabuti at matuwid, saka ka pa maduduwag? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-8-27-20-26-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumanat ka ngayon at ibigay mo ang buong lakas mo. Makakaasa ka na maiiwanan mo nang ilang milya ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Muli, bumanat ka, at ibigay mo ang kaya mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-23-33-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mapapahiya ‘pag itinuloy mo ang gusto mong negosyo. Kapag kumita ka, ipunin mo ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-12-25-34-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page