top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Nobyembre 7, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 7, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2020 (Sabado): Mayaman ang iyong imahinasyon kaysa sa mga pangkaraniwan. Kung gagamitin mo ito sa negosyo, walang duda na ito ay iyong lubusang pakikinabangan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagana ang isip mo ngayon, kaya lalong gaganda ang takbo ng iyong negosyo. Ang mga nagawa mong hindi gaanong maganda ay papalitan ng mabilis mong pag-unlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-20-29-44-54-55.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka ng lakas– puwede kang magdagdag ng tauhan o kasama dahil mas maganda ang dalawa kaysa sa isa o mas mabilis at mas marami ‘pag marami rin ang gumagawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-23-33-45-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Simulan mo na ang mga hindi mo nagawa noon dahil tinalo ka ng pag-aalinlangan. Mas maganda ang tindig mo ngayon kung saan ang pag-aalinlangan ay hindi mananaig sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-23-36-48-50.

CANCER (June 21-July 22) - Magagandang ideya ang maglalabas-pasok sa isipan mo. Piliin mo kung ano ang madali para sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil kahit ano ang mapili mo, ito ay pakikinabangan mo nang husto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-36-45-51.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na may ilang magtatangka na dayain ka dahil sa pag-aakalang ang kabutihang loob mo sa kapwa ay susi para ikaw ay madaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat matangay ng pagpapalit ng mga sistema na ipinatutupad mo sa iyong buhay, lalo na sa aspeto ng pagpaparami ng kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-29-30-35-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang payo ng iyong sarili. Marami ang magpapayo sa iyo, pero kapos sila sa kaalaman tungkol sa tunay mong pinagdaraanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-15-23-38-46-48.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit. Ibig sabihin, sinusubaybayan ka at hindi ka pababayaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-21-38-47-53-55.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga reklamador at paladaing dahil baka mahawa ka sa kanila at pati ikaw ay maging negatibo. Mas magandang layuan mo ang ganu’ng klase ng tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-22-24-32-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gamitin mo ang regalo sa iyo ng langit na magagandang katangian. Ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng magandang buhay at yaman na maipamamana mo sa mga mahal mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-29-30-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ngayon ang panahon ng pagpunta sa malayo kung saan ikaw ay mamamasyal lang. Puwede kang lumayo, pero kung may kaugnayan lang ito sa kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-23-28-34-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang iba pang mga araw na darating. Huwag na huwag mo itong sayangin, sa halip, ituon mo ito sa mga makabuluhang gawain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-28-30-31-37-55.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page