top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Nobyembre 29, 2020 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 29, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2020 (Linggo): Yayaman ka sa pamamagitan ng negosyo. Taglay mo ang mga katangian ng isang negosyanteng may kakaibang galing at husay na ibenta ang kanyang mga produkto.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo ipatupad ang mga naisip mong magagandang pormula para sa mas mabilis na pag-asenso. Huwag ka nang maghintay pa ng ibang mga araw para rito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-29-30-31-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahihilig ka sa pakikipagkuwentuhan. Marami kang makukuhang magagandang ideya na kapag nilakipan mo ng kaukulang pagkilos, uunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-9-14-17-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Mismong sarili mo ang magtutulak sa iyo para gawin ang mga hindi pinaniwalaan ng malalapit sa iyo. Magugulat sila dahil mas tama ka at sila pala ang mali. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-21-28-34.


CANCER (June 21-July 22) - Mapatutunayan mo na hindi gaanong kailangan ang sobrang sipag para makuha ang mga gusto sa buhay. Langit mismo ang gagawa ng paraan para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-23-27-39-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Panoorin mo ang mga tao. Makikita mo na kung sino ang kilos nang kilos, sila ang malayo ang nararating. Tularan mo sila nang sa gayun ay maabot mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-28-31-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmumula sa iyo ang mga sikreto ng mabilis na pagyaman. Marami ang makikinabang sa pakikinig sa mga kuwento mo, kaya ikaw ang kailangan nila ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-16-17-26-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Sa pamamagitan ng mga nakaaaliw na kilos, makukuha mo ang gusto mo kahit hindi ka na gaanong gumamit ng salita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-19-28-29-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mahalaga kung tama o mali na ang tao ay hinuhusgahan sa dami ng kanyang kabuhayan at hindi sa iba pang mga bagay. Sikapin mong dagdagan ang kaban-yaman mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto- 6-12-24-31-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka pero hindi dapat mangyari na sa huli, ikaw naman ang mangangailangan ng tulong. Walang tutulong sa iyo tulad ng dati. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-21-25-29-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalapit sa iyo ang nakagalit mo, kaya buksan mo ang iyong puso at bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Ito ay dahil minsan din siyang naging bahagi ng masayang mga karanasan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-26-28-30-37-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magugustuhan mo ngayon ang mabibilis na musika. Kakaibang sigla ang mapasasaiyo na para bang walang mabigat na problema na hindi mo makakaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-29-30-31-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang payo ang para sa iyo. Huwag kang masyadong seryoso. Kahit abala ka, isingit mo ang pagsasaya sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan, biruan at tawanan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-27-33-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page