top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Nobyembre 23, 2020 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 23, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2020 (Lunes): Itataas ka ng iyong kapalaran, kaya hindi ka mananatili sa ibaba. Wala kang dapat ipagmalaki dahil kapalaran mo ang may gusto nito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang dahil kaya papaunlad ka nang papaunlad ay dahil wala kang anumang yabang. Ito rin ay nagsasabing aatras ang pag-unlad mo ‘pag yumabang ka. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-19-20-23-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas gugustuhin ng langit kung wala kang itatangi. Kumbaga, dapat pantay-pantay ang tingin mo sa lahat, anuman ang kalagayan ng iyong makakadaupang-palad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-17-22-24.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang mapasasaiyo kapag malalaking bagay ang ginusto mo. Pero kapag nagpatuloy na hindi ka seryoso, maaaring mawala pa ang nasa iyo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-28-29-30-31-37.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na kung kanino ka madikit ay mapabibilang ka sa kanila. Ang payo ay dumikit sa papaasenso nang ikaw ay umasenso rin. Lumayo ka sa mga walang anumang pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-8-10-18-24-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang susi ng iyong tagumpay. Kumbaga, alam mo na kung ano at paano. Ang susi ay ginagamit at hindi itinatago o inilalagay lang sa isang lugar. Gamitin mo ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-22-25-27-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan ang tao base sa laman ng kanyang bulsa at hindi sa laman ng kanyang isipan. Ang tagumpay sa buhay ay kabuhayan ang tinitingnan. Ito ang dapat mong malaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-21-24-26-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paikot-ikot lang ang hangin at minsan, ito rin ay pabalik-balik. Kung hindi mo lalagyan ng direksiyon ang buhay mo, tiyak na ikaw ay matutulad sa hangin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-28-20-28-31-47.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumigas ang kalooban mo dahil sa iyong mga karanasan. Gamitin mo ito sa tamang prinsipyo at hindi sa kung ano lang ang sinabi mo na hindi mo na babaguhin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-14-15-28-35-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad nang kikilos ang langit at ikaw ay pagbibigyan. Hilingin mo na kung ano talaga ang gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-9-18-22-23-27.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suriin mong mabuti kung ano ang nangyayari sa iyo. Kapag napansin mong sinuwerte ka, lalo kang kumilos. Kapag kabaligtaran, ‘wag ka munang mangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-22-25-33-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit anong hirap ang iyong kinakaharap na proyekto ngayon, haluan mo ng pagsasaya. Ito ay dahil mapapansin mo na kapag masaya ka, mas sinusuwerte ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-15-16-24-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat magulat kapag ikaw ay binuwenas. Dahil sa nagdaang mga araw, nadama mo nang may darating na suwerte sa iyo at ito ay ngayon magaganap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-16-17-28-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page