top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Nobyembre 2, 2020 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 2, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2020 (Lunes): Sino ang pinakamasarap magmahal sa balat ng lupa? Sino pa nga ba kundi ikaw. Magsisisi at manghihinayang ang lalayo sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa. Gayunman, ang kinaawaan mo ay susuwertehin sa ibang araw kaya pasasalamatan ka niya at ito ay pasasalamat na hindi mo pa natitikman kahit kailan sa nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-28-30-34-40-54.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka at tatanggap ka, pero ang nakagugulat, ang tatanggapin mo ay malaki kaysa sa ibinigay mo. Ito ay dahil sa langit mismo manggagaling ang iyong mga regalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-25-39-41-52-55.

GEMINI (May 21-June 20) - Pumayag ka kahit malamangan ka. Dahil kung tutuusin, ikaw mismo ay maraming mga biyayang natatanggap. Kumbaga, nakalalamang ka sa mga suwerteng mula sa langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-26-33-36-44.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw na darating. Anumang matatanggap mo mula sa langit, pahalagahan mo ito at iyong sinupin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-19-22-24-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka, kaya iwasan mo ang pabigla-biglang pagkilos. Sa pagiging marahan, pumapasok sa isip ng tao kung ano ang pinakamagandang gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-18-20-28-30-52.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakamamangha ang kabutihang loob mo dahil mabuti ka pa rin sa gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ang taong may mabuting kalooban ay mas pagpapalain ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-27-30-34-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang alalay dahil ang totoo, sila ang may kailangan sa iyo dahil mas gumaganda ang kapalaran ng mga taong dikit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-26-31-35-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka maluluwagan, ‘yun ang iyong piliin. Kung saan ka giginhawa, roon ka. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili at huwag na huwag mong pasanin ang mundo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-22-29-30-37-40-52.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka dahil magtatangka ang may ugaling mapagsamantala sa kapwa. Ikaw ngayon ang pagtatangkaan, kaya tandaan mo na hindi lahat ng nagpapatulong ay dapat tulungan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-29-38-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magalit at kontrolin mo ang iyong sarili. Hayaan mo na langit ang bumangga sa mga taong gumagawa sa iyo ng masama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-29-36-45-48-50.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun ang itulong mo. Huwag mo nang ulitin ang ginagawan ng pabor ang iyong tutulungan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-24-31-36-55.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang nakatutulong sa kapwa, kaya huwag mong pigilan ang tumulong nang maging masaya ka sa iyong sarili. Ang mga hindi matulungin ay nabubuhay sa malalim na kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-25-28-33-35-41-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page